Lolit Solis nabigla sa hiwalayang Kris Aquino-Mark Leviste: Akala ko happy ending na | Bandera

Lolit Solis nabigla sa hiwalayang Kris Aquino-Mark Leviste: Akala ko happy ending na

Therese Arceo |July 15,2023
facebook
share this

Lolit Solis nabigla sa hiwalayang Kris Aquino-Mark Leviste: Akala ko happy ending na

Therese Arceo - July 15, 2023 - 07:57 AM

Lolit Solis nabigla sa hiwalayang Kris Aquino-Mark Leviste: Akala ko happy ending na

NAGULAT ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis matapos ibalita ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang kanilang paghihiwalay ni Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi niya ang kanyang saloobin hinggil sa nangyayari kay Tetay.

“Parang nagulat ako sa balita na medyo break muna ngayon sila Mark Leviste at Kris Aquino, Salve. Kasi nga at this point parang ang dasal mo para kay Kris ang matagpuan na niya ang love sa buhay niya,” panimula ni Lolit.

Aniya, matagal na rin ang pagbabantay ng bise gobernador kat Kris at naging very patient ito sa paghihintay sa huli hanggang sa matanggap siya nito.

“Akala ko [nga] happy ending na para sa dalawa. Nasa edad na sila na hindi naman biglaan ang magiging desisyon sa mga bagay bagay,” lahad pa ni Lolit.

Baka Bet Mo: Lolit Solis botong-boto kina Kris Aquino at Mark Leviste: Sana ito na ang matagal niyang hinihintay

Nabanggit rin nito na tanggap ng kani-kanilang anak ang relasyon nila at mukhanv wala namang problema sa pamilya ng bawat isa kaya nagtataka siya kung bakit naghiwalay ang dalawa.

“Sana naman kung maliit na bagay lang ang dahilan maayos agad para walang maging problema. Sana naman maging maganda ang ending nito dahil pareho na silang nasa edad para sa seryosong relasyon,” sey ni Lolit.

Dalangin pa nga niya ang maging maganda ang ending nig kwento nina Mark at Kris.

“For the sake of their relationship na matagal din nakakita ng liwanag. Love is the only answer sa buhay nila ngayon. This is the right time for both of them. Please guardian angels of Mark and Kris, help them,” hirit pa ni Lolit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kris Aquino grateful kay Mark Leviste, pangako sa mga Batangueño: Hindi ko na po sya gagambalain para yung FOCUS nya inyong inyo

Mark Leviste nagbigay ng update sa sakit ni Kris, inilarawan ang lagay ng kanyang puso: ‘Hindi lang happy, full of love, love, love!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending