Alden, Julia mga 'angel' daw na ipinadala ni Jesus Christ kay Sharon; nakipag-bonding din sa KathNiel | Bandera

Alden, Julia mga ‘angel’ daw na ipinadala ni Jesus Christ kay Sharon; nakipag-bonding din sa KathNiel

Ervin Santiago - July 24, 2023 - 05:21 PM

NAKA-BONDING ni Megastar Sharon Cuneta ang dalawang sikat na celebrities na itinuturing na rin niyang parang tunay na mga anak – sina Alden Richards at Julia Montes.

Ibinandera ni Ate Shawie sa kanyang Instagram account ang litraro niya kasama sina Alden at Julia na kuha sa isang private event na kanilang dinaluhan kamakailan.

Hindi binanggit ni Sharon kung anong gathering ang kanilang pinuntahan pero present din sa nasabing okasyon ang ilang cast members ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa pangunguna ng partner ni Julia na si Coco Martin.

Ang inilagay niyang caption sa kanyang IG post ay, “My beloved daughter @montesjulia08 and my beloved son @aldenrichards02 !! Once, kakie, miel and i were talking.

“They love Julia and Alden so much because they make me happy. And then they said that since I lost two babies before Kakie, baka daw si Julia at Alden ang padala nila at ni Jesus sa akin na angels, parang sila on earth to be with me.

Baka Bet Mo: Sharon Cuneta super love si Julia Montes: Sana ako na lang nagsilang sa ‘yo

“Nakakatouch itong sila Kakie at Yellie. Si Miguel din. Sa puso nila Ate at Kuya nila si Julia at Alden. Awwww…” ang mensahe pa ng Megastar.

Magkasama sina Julia at Alden sa pelikulang “Five Break-ups And A Romance” mula sa direksiyon ni Irene Emma Villamor habang tinatapos na nina Alden at Sharon ang MMFF 2023 entry nilang “A Mother And A Son’s Story” directed by Nuel Naval.

Ilan sa mga mensaheng nabasa namin  sa comments section ng Instagram post ni Mega ay ang mga sumusunod.

“Wow anjan din pala sa event si Alden Nice. mother and son and daughter tandem.”

“Plot twist magkapatid na si Mara at Alden thru Mama Sha. I like hehehe.”

“Woww hahahahahaha parang mga ka tropa mo lang Sila sa barkada haa hahahahaha hanep naman Yan idol megastar grabee asting mong magpicture napaka photogenic mo naman sa mga group photo niyo Diba Ganda ng group photo niyo parang barkada lang Diba hahahahahaha galing perfect 100 percent.”

“Ung hawak ni juls talaga eh, bib ba yan? So proud of you juls, God bless baby Popoy!”

“So prettyful..ootd is burning .apaka gandaaaa!”

“Grabee Mam kanina pa talaga ako kinikilig sa mga post mo paulit ulit ko tinititigan basta masayang masaya kami mga fans ng cocojul ayiee.”

“Omg!!! Julia & Coco’s wedding? Char!”

“Shawie, parang ka age bracket mo lang sila!”

Samantala, may ibinahagi ring mga pictures si Mega kung saan kasama niya ang celebrity couple na sina Coco, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Spotted din sa event sina John Estrada, Albert Martinez, Cherry Pie Picache, Dimples Romana, Angel Aquino at Shaina Magdayao.

“Reunion plus plus!!!” ang caption ni Sharon sa kanyang mga litrato. Meron din siyang photos na kuha sa naganap na private gathering with the caption, “Friends and family!”

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alden Richards gustung-gustong magpakalbo pero bawal; Julia naniniwalang panglaban sa Hollywood ang mga Pinoy

Basher tinalakan ni Sharon: Marunong akong kumanta, sumayaw, umarte at nagpayaman ng producers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending