Ivana never inisip ang malaking kikitain nang magsimula bilang vlogger, payo sa mga content creator: ‘It shouldn’t be about money’

Ivana never inisip ang malaking kikitain nang magsimula bilang vlogger, payo sa mga content creator: 'It shouldn’t be about money'

Ivana Alawi

WALANG planong mag-try sa Hollywood o magkaroon ng international career ang Kapamilya actress at content creator na si Ivana Alawi.

Yes, yes, yes mga ka-Marites! Kung ang ibang artista ay nagkakandarapa na magkaroon ng career sa ibang bansa, lalo na sa Hollywood, ibahin n’yo si Ivana.

Dito lang daw siya sa Pilipinas at super thankful siya na hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa rin siya bilang aktres dahil sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN.


Kamakailan nga lang ay muli siyang pumirma ng exclusive contract sa Kapamilya Network at ngayon pa lang ay kasado na raw ang gagawin niyang mga bonggang projects sa mga susunod na buwan at taon.

“I’m doing teleseryes this year and meron ding movies so ‘yun, maraming exciting na projects na parating,” pahayag ni Ivana nang humarap siya sa ilang members ng entertainment media pagkatapos ng kanyang contract signing.

Kung mabibigyan daw siya ng chance, ang mga gusto niyang gawin sa next projects niya, “I want to try action. Yeah, oo, so nagdyi-gym na ‘ko. I want to do action and horror.”

Nabanggit din niya ang mga gusto niyang makatrabaho sa showbiz, “Si sir Coco Martin. I would really love to work with KathNiel and si Joshua Garcia.”

Natanong din si Ivana tungkol sa pagkakaiba ng pagiging aktres at vlogger. Sey ng dalaga, mas mahirap daw talaga ang acting dahil iba-ibang karakter ang pino-portray niya samantalang sa vlogging, “what you see is what you get” daw.

Baka Bet Mo: Gerald na-shock sa sex scene nila ni Ivana: Sabi ko, ‘Talaga, direk? Talaga? ‘Di ba, pang-TV ‘to?’

“Sa vlogs po kasi, it’s very me. It’s who I am with my family, it’s who I am as a person, ‘yung I get to help people, I get to go out and you know, inspire people to na tumulong din.

“Siguro sa pag-acting naman, it’s a different person kasi you’re portraying someone else so magkaibang-magkaiba siya.


“Hindi ko nadadala ‘yung aking sarili sa mga teleserye, sa mga movie but it’s exciting kasi at least I get to experience different characters,” paliwanag ni Ivana.

Sey pa niya, nu’ng pasukin niya ang vlogging never niyang inisip ang pera, kaya naman ang advice niya sa mga tulad niyang content creators, “When you enter vlogging it shouldn’t be about money ‘coz when I started alam kong may income pero it’s not the main priority.

“Ginawa ko ‘yun just to have fun with my family and be myself. So ‘yung aking tip palagi kapag may nagtatanong sa akin is to just be yourself kasi if you’re trying to copy someone else it will show tapos hindi siya natural, eh. So be yourself and your time will come,” paliwanag ng sexy actress.

Dumalo sa contract signing ni Ivana sina ABS-CBN chairman Mark L. Lopez, ABS-CBN president and CEO Carlo L. Katigbak, COO of Broadcast Cory V. Vidanes, ABS-CBN head of TV Production at Star Magic head Laurenti Dyogi, Star Magic’s Alan Real at manager nitong si Perry Lansigan.

“Now I’m here where I supposed to be and of course I’m very very thankful for… Unang-una sa bosses po natin dito sa ABS-CBN mara­ming maraming salamat sa tiwala, sa suporta at sa pagmamahal ninyo sa akin.

“Of course to my manager Kuya Perry, Star Magic, Sir Lauren, kuya Allan maraming salamat and gusto ko rin magpasalamat sa lahat lahat nang nagtiwala sa akin since day one. And of course to my family and kay Lord na never akong pinabayaan,” aniya pa.

Ivana walang kalandiang dyowa: Hindi ako naghahanap, hindi rin ako nagmamadali

Ivana Alawi magbubuhay-reyna kahit hindi na mag-artista; hindi mahilig mag-post ng problema sa social media

Read more...