Bwelta ni Carlos Agassi sa mga transgender na umalma sa ‘Milk Tea’: ‘Kapag sila pwede manlait, bawal masaktan ‘pag ako pwede…where’s equality?’

Bwelta ni Carlos Agassi sa mga transgender na umalma sa 'Milk Tea': 'Kapag sila pwede manlait, bawal masaktan 'pag ako pwede...where’s equality?'

Carlos Agassi

WALA raw dapat ika-offend o ikagalit ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa bagong rap song ng actor-singer na si Carlos Agassi.

Bumuwelta ang dating Kapamilya star sa lahat ng mga umalma, kumontra at nangnanega  sa kontrobersyal niyang kanta na “Milk Tea” pati na sa music video nito na viral na ngayon sa social media.

Inirereklamo kasi ng mga beki at transwoman ang lyrics at mensahe ng song na anila’y “transphobic” at hindi maganda at pasado sa kanilang panlasa bilang mga advocate ng LGBTQ.

Talagang kinuyog nila si Carlos at inakusahan ng kung anu-ano nang dahil sa inilabas niyang kanta at music video. Pero may mga nagtanggol din naman sa kanya at nagsabing lahat ng tao ay may karapatang magpahayag ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng musika.


Nakausap namin si Carlos via messenger at kinuha namin ang reaksyon niya hinggil sa isyung ito. Narito ang kabuuan ng kanyang depensa.

“Milk Tea By Carlos Agassi is supposed to be a romantic comedy song, respecting and supporting all genders especially LGBTQ community which are open minded and would understand and appreciate my point since most of them are talented in the entertainment industry.

“I explained a hundred times that I interpreted this song has a happy ending. In the music video they kissed after knowing that she is trans. My wife ask her trans friend and her friend said it was a fun song and not offensive.

Baka Bet Mo: Agassi Ching mala-wedding proposal level ang monthsary surprise para kay Jairah Asuncion

“If they take offense na nagulat siya sa venti na milk tea, wala na ko magagawa because it’s a natural reaction at naghahanap na lang sila ng butas para sirain ako,” simulang pagbabahagi ng aktor.

Patuloy pa niya, “Sa panahon ngayon kahit nasa tama ka kapag pinagtulungan ka ng mga tao pilit na pagmumukhain ka nilang mali kaya ikaw ang lalabas na masama kahit hindi. It’s the sad truth.


“The song is open for interpretation because music is art, art is expression, and this is freedom of expression. Every art is open to interpretation and criticism.

“For example kapag sinabi sa lyrics na masama ang mundo ibig ba sabihin ikaw na yung masama? If you get what I mean. We had lyrics like that in past songs. Issue ngayon kasi everyone has a say on everything.

“Pilit na pinalalabas na transphobic, ginagawan ng issue, at nilalait ang kanta pati ako. Nagkakampihan, pinagtutulungan, at hinihila pababa. Pag nagsabi ako ng side ko hindi nila tatanggapin at mamasamain nila na nabara ko sila,” paliwanag ng rapper.

Sentimyento pa ni Carlos, “So kapag sila pwede manglait, bawal masaktan. Pag ako bawal manglait, pwede masaktan. Where’s equality?

“It was never my intention to hurt or offend anyone because I love and respect all genders. Spread love and support your local artists. Milk Tea tayo dyan! Maraming salamat sa mga taong sumuporta at nakaintindi,” esplika ng actor-rapper.

Carlos Agassi bumanat sa nagsabing ‘transphobic’ ang kanta niyang ‘Milk Tea’: ‘Happy ending yung song kayo lang gumagawa ng issue’

Carlos Agassi nagkadyowa dahil sa ‘dating app’: Nu’ng nakita ko siya, sabi ko, ‘Wow ang ganda niya!’

Read more...