Vice, Aga, Heart, Anne, Juday, iba pang celebs super happy sa engagement nina Bea at Dominic: ‘Yahoooooo!!!! Mga bata ko yan o!!!’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Bea Alonzo at Dominic Roque
IN FAIRNESS, sandamakmak na netizens, kabilang na ang mga sikat na celebrities ang nag-congratulate sa engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.
Magkakahalong gulat, kasiyahan at excitement ang naramdaman ng mga fans at friends nina Bea at Dominic nang ibandera nila ang kanilang engagement sa social media kahapon.
Bumuhos ang mga pagbati at pampa-good vibes na mensahe sa Instagram account nina Bea at Dom nang ibahagi na nga nila ang mga litrato na kuha sa ginawang proposal ng actor-businessman.
Ayon sa Kapuso actress, naganap ang wedding proposal at pagluhod ni Dom sa kanyang harapan last Tuesday, July 18, habang nasa shooting para sa isa niyang project sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bataan.
Sinabihan siya ng photographer na si Mark Nicdao na tumalikod hanggang sa nakita na nga niya ang kanyang fiancé na nakaluhod sa harap niya hawak ang box ng engagement ring.
“You see, I have done so many proposal scenes in my entire career, but nothing beats the real thing. I have been doing it all wrong! Hahaha.
“Dom said his speech, and it’s like time stood still. Everything went in slow motion. And I felt different emotions all at the same time—joy, excitement, love.
“I started bawling (swipe to see my ugly cry), But I didn’t want that moment to end. I want this real thing to happen forever… and right then there… In front of the people we love… we decided on forever,” ang caption ng aktres sa ibinahagi niyang engagement photos.
Sa comments section, bumaha ng congratulatory message para kina Dom at Bea hindi lang mula sa kanilang mga fans kundi pati na rin sa mga big stars sa entertainment industry.
Pagbati ni Vice Ganda “Yahoooooooo!!!! Mga bata ko yan o!!!!! I’m very happy for u and Dom! Congratulations! Love u both!”
Comment ni Heart Evangelista, “Beaaaaaaaaa (crying and heart emojis). I am so happy for you both !!!”
“Omg!!!!! Bei and Dom!!!!!! CONGRATULATIONS!!!” sey ni Anne Curtis.
“@beaalonzo Congrats Bea!!! May God be your center,” pagbati ni Kristine Hermosa.
Post naman ni Maine Mendoza, “Congrats Bea!!!!”
“Congratulations you two!!” pagbati ni Judy Ann Santos.
Greeting ni Maja Salvador, “Congratulations Bea and Dom!”
Bumati rin si Rhea Tan ng Beautederm sa engaged couple, “Congratulationss Bashaaaa ! Soo happy for youu!!”
Sey ni Catriona Gray, “Huhuhu the biggest congratulations!!”
Pagbati rin ni Aga Muhlach, “Yazzzzz! Saya ko for you both sobra. Alam mo yan.”
Ang iba pang bumati kina Bea at Dom ay sina Ivana Alawi, Andrea Brillantes, Jolina Magdangal, Angelica Panganiban, Marco Gumabao, Rica Peralejo, Maymay Entrata, Jak Roberto, Carlo Aquino, at marami pang iba.