Buboy Villar sa pagiging single parent: ‘Struggle rin dahil siyempre mag-isa ka lang, wala kang uuwian na misis’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Buboy Villar
SOBRANG ipinagpapasalamat ng Kapuso TV host-comedian na si Buboy Villar ang tulong ng mga magulang ng dati niyang partner sa pag-aalaga at pagpapalaki sa kanilang mga anak.
Todo kayod ngayon ang komedyante at negosyante para sa kinabukasan ng kanyang pamilya lalo na sa mga anak niyang sina Vlanz Karollyn at George Michael.
Naikuwento ni Buboy na ang ginagawa niyang pagkayod at pagsisikap sa trabaho ay para mabigyan ng magandang buhay ang mga anak nila ng ex-live in partner na si Angillyn Gorens na nagtatrabaho naman ngayon sa Amerika.
Nakachikahan ni Buboy ang kapwa Kapuso star na si Camille Prats na mapapanood sa YouTube channel nito at napag-usapan nga nila ang tungkol sa pagiging working tatay ng komedyante.
“Malaking tulong sa akin ‘yung parents ni Angillyn, yung lolo’t lola kasi talagang sila ‘yung nagsu-support sa amin, I mean, nagsu-support sa mga bata.
“Yun talaga ‘yung nilu-look forward nila na ayaw nila masira ang future which is kami rin. Kaya lagi kaming nakikinig sa mga payo nila,” sabi ng host ng “Eat Bulaga.”
Hindi raw payag nu’ng una ang aktor sa gusto ni Angillyn na maging US citizen ang mga anak nila pero kalaunan ay nagbago rin ang isip niya, “Kasi alam kong para rin sa future. Pero noong una, dito kasi nilabas e, so hindi ako pumayag. Ngayon, pumayag na ako.”
Chika pa niya ang mga parents ni Angillyn ang naging katuwang niya sa pag-aalaga sa mga anak, “Hindi na ako nahirapan sa pag-alaga sa bata kasi kapag may trabaho ako, nasa kanila ‘yung bata. Kapag wala akong trabaho, nasa akin.”
Dagdag pa niya, “Siyempre dahil may business din, ito naman ‘yung problema. Ang dami ko na ring ginagawa. Naghahanap ako ng time para makadalaw sa bata. Kasi lumalaki na sila, ang hirap na nasaan si papa? My papa didn’t miss me. Gumaganoon na ‘yung anak kong panganay.
“Lagi kong sinasabi na malapit na ako sa parang next stage kasi nag-aaral na. ‘Yung panganay ko nag-aaral na. Ang bilis ng transition ng buhay ngayon noong naging parent ka na,” dugtong ng komedyante.
Samantala, hindi naman itinanggi ni Buboy na medyo mahirap din ang maging single parent, “Struggle rin dahil siyempre dahil mag-isa ka lang din. Wala kang parang uuwian na misis, pero dahil ako ay workaholic hindi ko na iniisip ‘yun.”
Pero sa ngayon, puro pagpapasalamat na lamang ang ginagawa ni Buboy dahil sa dami ng blessings na dumarating sa buhay niya, “Pag-uwi ko sa bahay, thank you Lord nakauwi ako, mayroon akong kinita ngayon para sa anak ko, bukas na lang po ulit.”