Michelle Dee proud na proud kay Pauline Amelinckx: Ikaw ang panalo sa puso namin!
IBINANDERA ng reigning Miss Universe Philippines na si Michelle Dee ang kanyang masayang pagbati sa kapwa-beauty queen na si Pauline Amelinckx.
Ang pagiging proud ni Michelle ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram Stories kalakip ang ilang litrato nilang dalawa.
Mensahe pa niya, “Ikaw ang panalo sa puso namin @paulineamelinckx [fire, Philippine flag emojis].”
Dagdag pa ni Michelle, “You raised our flag so loud and proud.”
Magugunitang itinanghal si Pauline bilang first runner-up ng Miss Supranational 2023 pageant na ginanap sa Poland noong July 15, oras ng Pilipinas.
Para sa mga hindi pa masyadong aware, tatlong beses sumali sa Miss Universe Philippines pageant si Pauline bago nakuha ang kanyang titulo bilang 2023 Miss Supranational Philippines.
Noong nakaraang taon ay nakuha niya ang titulong Miss Universe Philippines-Charity, at noong 2020 ay naging third runner-up siya sa MUPH.
Nauna nang sinabi ng beauty queen na ayaw niyang magsisi sakaling hindi niya itinuloy ang kanyang muling pagsabak sa Miss Universe Philippines.
Samantala, ang nakapag-uwi ng korona ng Miss Supranational 2023 ay ang pambato ng Ecuador na si Andrea Aguilera.
Dinaig niya ang 64 na iba pang kalahok upang manahin ang titulo mula sa nagwagi noong isang taon, si Lalela Mswane, ang unang reyna ng Miss Supranational mula South Africa.
Hinirang naman na second runner-up si Sancler Frantz mula Brazil, third runner-up si Emma Rose Collingridge mula sa United Kingdom, habang binuo ni Ngan Dang Thanh mula Vietnam ang Top 5 bilang fourth runner-up.
Matatandaan na ang una at natatanging Pilipinang hinirang bilang Miss Supranational ay si Binibining Pilipinas Mutya Johanna Datul na kinorohan pa noong 2013.
Related Chika:
Pauline Amelinckx pasok na naman sa isa pang online contest ng 2023 Miss Supranational pageant
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.