Enchong sa isyu ng gay video scandal: Ganu'n ba kababa ang tingin n'yo sa akin!? | Bandera

Enchong sa isyu ng gay video scandal: Ganu’n ba kababa ang tingin n’yo sa akin!?

Ervin Santiago - October 19, 2013 - 03:00 AM

Enchong Dee

Hindi apektado at hindi nagagalit si Enchong Dee sa kumalat na chika tungkol sa pekeng sex video nila ng gay model na si Sebastian Castro. Kasabay nito, wala na rin siyang dapat patunayan sa kanyang pagkalalaki.

Nakachika ng press si Enchong sa presscon/announcement ng bagong teleserye ng ABS-CBN na You’re My Home na pagbibidahan din nina Richard Gomez at Dawn Zulueta, at dito nga simagot ng aktor ang tungkol sa sex scandal issue.

“Sabi ko as far as I can remember hindi ako ‘yung taong klase na mahilig mag-record ng ganyan. Gusto kong makita kung ano ba ang ibig sabihin nu’ng scandal because as far as I can remember a scandal is something that you’re not proud of. So sabi ko, wala naman akong naaalala na ginawa ko na I’m not proud of,” nakangiting pahayag ni Enchong.

Hirit pa niya, “Hindi ako nao-offend na may ganu’ng issue, nao-offend ako na ganu’n ba kababa ang tingin sa akin ng mga tao na ganong klaseng tao ang kasama ko sa isang video scandal.”

In fairness, habang naiintriga ng kung anu-ano si Enchong, patuloy naman ang pag-ulan ng blessings sa kanya, katatapos lang ng Muling Buksan Ang Puso, meron na itong kasunod agad, ito ngang You’re My Home. Magsisimula na ang taping nito very soon at eere sa Primetime Bida sa pagpasok ng 2014.

“So ito, isa siguro ito sa mga pambawi sa buhay ko na dahil andami-daming intriga na naglalabasan, siguro ito ‘yung pambawi ng Diyos na sinasabi na ‘Wag kang mag-alala meron naman akong regalo sa yo’ and I’m happy with that gift,” sey ng binata.

Bukod kina Goma at Dawn, makakasama rin sa You’re My Home sina Shaina Magdayao, Ella Cruz, Francis Magundayao, Iza Calzado at Cherry Pie Picache under Dreamscape Entertainment.

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending