Joko Diaz super proud sa anak na bibida sa horror movie na ‘Mary Cherry Chua’: ‘Hindi ako stage father, I just tell her to always be professional’

Joko Diaz super proud sa anak na bibida sa horror movie na 'Mary Cherry Chua': 'Hindi ako stage father, I just tell her to always be professional'

Joko Diaz at Ashley Diaz

PROUD daddy ang action star na si Joko Diaz sa kanyang anak na si Ashley Diaz na finally ay nabigyan na na rin ng chance na magbida sa isang pelikula.

Matapos ipakilala ng Viva Entertainment ang 19-years-old na young actress sa TV series na “Di Na Muli” ay siya na ngayon ang bida sa horror movie na “Mary Cherry Chua”, written and directed by Roni S. Benaid.

Ayon kay Ashley Diaz, magkahalong excitement at nerbiyos ang naramdaman niya nang malamang siya ang napili ng Viva Films para bumida sa naturang pelikula.

“There will always be pressure naman po sa bawat project, pero iba po talaga kasi kapag first lead mo. tapos solo ka pa. But it’s all up to you how to take yung pressure, positively or negatively.


“With me, I’m taking it positively by challenging myself to give my best as Karen. Pinaka-challenging na ginawa ko for this role is that I had my hair cut.

“Kasi it took many years bago ko napahaba yung buhok ko, pero for the role of Ashley, I was asked to cut it short and worth it naman,” pahayag ni Ashley sa zoom presscon ng “Mary Cherry Chua.”

Ang pelikula at tungkol sa mga kaluluwang hindi matahimik kaya naman natanong ang dalaga kung naniniwala ba siya sa mga multo.

“Yes, I do believe in ghosts, but wala pa akong personal experience na nakakita ako ng multo. But I believe in the stories of people who have told me about their own terrifying experiences with the supernatural,” aniya.

Baka Bet Mo: Joko Diaz game na game sa pakikipag-love scene kay Ayanna Misola: Alam naman ‘yan ng misis ko

Ano naman ang nga advice na ibinibigay ni Joko sa kanyang anak sa pagpasok nito sa mundo ng showbiz? “I’m a proud father kasi I can see na magaling siya at matalino.”

“I’m not a stage father. I just tell her to always be professional, don’t be late on the set. Try to be nice to everyone but also enjoy her work,” sabi ng veteran actor.

Tanong pa kay Ashley, kumusta naman katrabaho ang ama sa kanyang launching movie, “I enjoyed working with my dad. I know he’s always there to guide and support me but hindi niya ako dinidiktahan. He allows me to explore things on my own.”


Sa mga hindi pa nakakaalam, isang sikat na Filipino urban legend ang pelikula nina Ashley. Tatalakayin nito ang katotohanan sa likod ng misteryo sa pagkamatay ni Mary Cherry Chua.

Naging usap-usapan ang pangalang Mary Cherry Chua noong early 2000s. Ang sabi sa urban legend, si Mary ay isang maganda at matalinong estudyante na diumano’y ni-rape at pinatay ng school janitor. Sabi rin sa mga kuwento ay nananatili pa rin ang kaluluwa ni Mary sa school campus.

Tunghayan natin ang bagong kuwento hango sa urban legend na si Mary Cherry Chua sa bagong pelikula ng 2018 CineFilipino finalist na si Roni Benaid.

Ibinahagi ng direktor kung bakit niya napiling isapelikula ang sikat na horror story na ito, “I remember nung high school ako, sikat siya sa amin. Gusto kong ibalik siya at ipakilala sa younger generations, sa mga Gen-Z.”

Si Mary Cherry Chua (Abby Bautista) ay estudyante mula sa isang prestihiyosong eskwelahan noong 60s. Isang masayahing teenager na may mahabang buhok, totoong na kay Mary Cherry Chua na ang lahat – siya ay maganda, mayaman at matalino.

Hinahangaan at kinaiinggitan ng lahat, kilala siya bilang Miss Popular sa eskwelahan. Pero ang inaakala ng marami na perpektong buhay niya ay biglang mag-iiba nang matagpuang walang buhay ang dalaga sa campus grounds matapos maging biktima diumano ng rape at pagpatay.

Sa kasalukuyan, si Karen (Ashley), isang high school student na mahilig magbasa ng mga horror stories at urban legends, ay maiintriga sa buhay ni Mary Cherry Chua.

Bubuksan niya ulit ang kaso nito at mag-iimbestiga sa sariling niyang diskarte para maghanap ng mas matibay na ebidensiya sa krimen. At sa tulong ng mga kaibigan at kaklase ay may bagong impormasyong makukuha si Karen.

Pero sa paghahanap niya pala ng katototohanan ay para na ring pagsindi ng mitsa ng buhay niya dahil sa matutuklasan niyang maaari rin niyang ikapahamak.


Kasama rin dito sina Kokoy De Santos na gaganap bilang Paco (duwag na research partner ni Karen), Lyca Gairanod bilang Faith (ang supportive best friend ni Karen), Krissha Viaje bilang Lena (protective na ate ni Karen) at Abby Bautista bilang si Mary Cherry Chua. Gaganap para sa isang importanteng role si Ms. Alma Moreno.

Siya si Ms. Estrella, dating guro na magbibigay ng linaw sa nangyari kay Mary Cherry Chua.

Ibinahagi ni Direk Roni ang pasasalamat niya sa cast at sa professionalism ng mga ito, “Lahat sila cooperative, tinutulungan nila ako maituro ko sa kanila or masabi ko sa kanila yung intention ng character.”

Paparating na siya. Handa ka na ba? Alamin ang kuwento ni Mary Cherry Chua, sa mga sinehan cinemas nationwide simula sa July 19.

Anak ni Joko Diaz sinuwerte agad sa showbiz, bibida sa urband legend na ‘Mary Cherry Chua’

Baguhang sexy star na si Ayanna Misola walang takot sa paghuhubad, na-challenge kay Joko Diaz

Read more...