Reunion movie nina Bea at John Lloyd imposible pang mangyari: ‘Even if I say yes if he doesn’t like to do that project hindi siya matutuloy’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
John Lloyd Cruz at Bea Alonzo
TAMBAK ang projects ngayon ng Kapuso actress na si Bea Alonzo kaya naman masasabing talagang isa siya sa mga pinakamaswerteng artista ngayong 2023.
Kaya naman sa dami ng ginagawa niya ngayon, mukhang imposible pang mangyari ang pinakahihintay na reunion movie o teleserye nila ni John Lloyd Cruz ng kanilang mga loyal fans.
Nang lumipat si Bea sa GMA 7 ay marami ang umasa na baka bigyan sila agad ni John Lloyd mg project together dahil nga pareho na silang nasa Kapuso Network. Umeere pa rin until now sa GMA ang sitcom ni Lloydie na “Happy ToGetHer.”
“Oo nga, e. Tanungin mo na lang si John Lloyd. Siya ang mas makakasagot niyan. I think mas siya ang makakasagot niyan kaysa sa akin.
“Marami na, marami nang actually na-offer sa amin. Kaya lang…siyempre pareho kaming may say, e.
“Even if I say ‘yes’ to doing it, if he doesn’t like to do that specific project, hindi siya matutuloy. So, dapat siya ang tanungin nyo. Ha-hahahaha!” ang tumatawang sagot ni Bea nang tanungin sa presscon ng “The Battle of the Judges” last Sunday.
Sabi ni Bea depende pa rin talaga sa material at sa availability nila ni John Lloyd, “Yes, yes! Of course he has things that he wants to do. Marami siyang ideas.
“Na siguro because matagal na kaming hindi nagkakasama sa isang project, baka magkaiba na yung idea namin on what to do. Pero I’m sure, one day, magmi-meet din yung ideas namin at yung mga minds namin. After all, we’re very good friends.
“In fact, pumunta pa nga yun nung Larawan, nung nag-perform ako sa teatro. Hindi ko inaasahan. So, at the end of the day, kaibigan ko si John Lloyd. So magka-project man kami o hindi, mahal ko si John Lloyd,” mariin pang pahayag ng aktres.
Samantala, may dalawang pelikulang nakalinya si Bea na ididirek ni Erik Matti, “Both are different genres. Hindi ko pa ma-share sa inyo kung ano, but very exciting projects.
“I think now, he’s focusing muna on doing BuyBust 2. And then after nun, kami na yata,” aniya.
Bukod dito, tinatapos na rin niya ang susunod niyang teleserye sa GMA 7 kasama si Dennis Trillo, ang “Love Before Sunrise.”
“Ang priority ko talaga ay mga project ko sa GMA because I have a contract to fulfill. So, talagang mauuna sa schedule parati ang GMA. Because nga as I’ve said, meron akong obligations sa kanila.
“But I have two movies and may mga nagpi-pitch naman, awa ng Diyos. Madami namang lumalapit, thank God.
“Kasi marami na rin pong platforms. Like there’s Netflix, there’s Prime, there’s HBO, there’s Viu na maraming content na pini-pitch sa aming mga artista. That’s good for the industry actually,” chika pa ni Bea Alonzo.