David hinding-hindi guguluhin ang relasyon nina Jak at Barbie: ‘Nirerespeto ko ‘yung relationship nila’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Jak Roberto, Barbie Forteza at David Licauco
WALANG problema o isyu sa pagitan ng dalawang Kapuso hunk actor na sina David Licauco at Jak Roberto.
Siniguro ni David na magkasundo at magkaibigan sila ni Jak in real life at alam nilang trabaho lang ang ginagawa nila ng kanyang leading lady at ka-love team na si Barbie Forteza.
Mukhang hindi naman nagseselos si Jak sa tambalan ng kanyang girlfriend at ni David dahil bilang artista rin ay alam niyang work lang at walang personalan ang ginagawa ng Kapuso tandem.
Sa bagong YouTube vlog ng Kapuso actress na si Bea Alonzo, si David ang sumabak sa legit lie detector test. Dito, natanong ang Pambansang Ginoo kung nagseselos ba si Jak sa kanya dahil sa kasikatan ngayon ng BarDa loveteam.
“Artista din kasi siya, so I think he knows about all the ins and outs of this industry,” simulang pahayag ni David.
“I think si Barbie hindi rin naman siya nagkukulang to give him assurance. Like knowing Barbie, she’s a good person, and I think she’s a good partner also,” aniya pa.
Samantala, sa tanong naman ni Bea kung ano ang nararamdaman niya kapag nakakarinig siya ng, “Sana kayo na lang ni Barbie.” Inanim niyang minsan ay naiisip at natatanong niya sa saril “what if?”
“Siyempre, I respect ‘yung relationship nila and all that, pero totoo naman, ‘what if?'” sabi pa ni David. Ngunit ipinagdiinan ng binata na talagang work lang ang business nila ni Barbie at super friends lang ang status nila.
In fairness, talagang nakagetsing ng ginto ang GMA 7 sa tambalang BarDa na bibida muli sa bonggang upcoming GMA primetime series, ang TV remake ng blockbuster at classic Viva Films movie na “Maging Sino Ka Man”.
Sina Barbie at David ang napili ng mga bossing ng GMA para bigyang-buhay muli ang mga karakter na pinasikat nina Sharon Cuneta at Robin Padilla sa nasabing pelikula bilang sina Carding at Monique.
Bukod dito, natapos na rin ng Kapuso loveteam ang pelikula nilang “That Kind of Love” na kinunan pa sa South Korea.
Sumikat at naging phenomenal din ang tambalang BarDa sa matapos nilang gawin ang historical portal fantasy series ng GMA na “Maria Clara at Ibarra.”