Ara Mina inaming dream come true ang magkaroon ng sariling pamilya: ‘Hindi ko akalain na ikakasal pa pala ako’
By: Alex Brosas
- 2 years ago
Ara Mina
NAPAIYAK si Ara Mina sa launch ng kanyang first magazine talk show, ang “Magandang ARAw” na mapapanood sa Net 25 starting July 15.
Nanumbalik kasi sa kanya ang friendship niya with the press na kanyang pinasalamatan dahil hindi siya nakakalimutan ng mga ito lalo na sa kanyang mga special na okasyon sa buhay.
“It’s like a reunion. After pandemic ngayon lang tayo nagkita-kita ulit. Hindi ba nakaaksawa ‘yung zoom presscon,” say niya sa presscon.
“I’m overwhelmed kasi nandito kayo lahat. Nakaka-miss ‘yung dati. Naging part kayo ng buhay ko kaya hindi puwedeng wala kayo,” pagpupugay ni Ara sa entertainment media habang umiiyak.
“Aminin na natin na nagbago ang landscape ng entertainment. Eto ‘yung talagang entertainment. Kayo ang tumutulong sa mga artista. Kayo ang lifeline ng mga shows, nga mga artista kaya nandiyan pa rin sila, dahil sa inyo,” dagdag pa ni Ara.
Natuwa kami dahil in-acknowledge kami ni Ara when it was our time to ask her a question.
“I hope you still remember me,” say namin sa kanya.
“Of course, sino ba naman ang makakalimot sa nag-blind item ng aking buhay. Nakakatuwa po. Siya po ang unang nag-confirm na anak ako ni (Chuck) Mathay.
“Hindi ko pa alam. Hindi ko alam kung saan nanggaling ‘yun. Tito Alex is part of my life, my entire showbiz career,” say ni Ara.
“Honestly, it’s my dream project. Matagal ko nang pinapangarap na magkaroon ng ganitong show. Nasabi ko noon sa interview ko, pinapanood ko nga si Oprah bata pa ako. Sabi ko, cute ng show niya. Sana someday magkaroon din ako ng ganoong show,” say ni Ara about her show.
Ano ang magandang araw kay Ara?
“Siyempre, hindi ko akalain na ikakasal pala ako. Nandiyan ang asawa ko. Kinasal ako noong pandemic. May trabaho ako noong pandemic.
“May nag-propose sa akin noong pandemic. Iyon ‘yung pinakamagandang araw sa akin, ‘yung magkaroon ng partner in life. Nabuo ang aking pamilya,” say niya.
Hands on si Ara sa show. Minsan siya na ang talent coordinator, minsang location manager, minsan cameraman, minsan director.
“Umiiyak na ako minsan kasi hindi pala biro ang gumawa ng isang show. Sabi ko, talk show lang ito. Pero hindi, hindi biro. Sobrang madetalye, pati editing nakikialam ako sa editing. Marami akong natutunan sa show na ito,” sey pa niya.
For the pilot episode, si Piolo Pascual ang kanyang first guest. Nakatrabaho ni Ara si Piolo sa “That’s Entertainment” noon.