JC Alcantara nilinaw na hindi nagrereklamo sa Star Magic: ‘Actually, scholar nga ako ni Direk Lauren Dyogi’

JC Alcantara nilinaw na hindi nagrereklamo sa Star Magic: 'Actually, scholar nga ako ni Direk Lauren'

Janella Salvador at JC Alcantara

NAG-EXPLAIN ang Kapamilya actor na si JC Alcantara tungkol sa kanyang cryptic post sa Twitter kamakailan na sinasabing para raw sa Star Magic.

Pero deleted na ang kanyang tweet ngayon matapos pagpiyestahan ng mga netizens at ikonek sa ni-launch na kontrobersyal na 2023 Star Magic Catalogue.

“Naol my favoritism, lagi na lang tayong option,” ang isa sa mga tweet ni JC na burado na nga ngayon.

Naging hot topic ito sa social media at iniugnay nga sa paglabas ng Star Magic Catalogue kasabay ng pagtu-tweet din kapwa Star Magic artist ni JC na si Janella Salvador.


Feeling ng mga fans ni Janella naetsapwera ang aktres sa catalogue na siyang dahilan kung bakit inisnab umano nito ang launching ng nasabing Star Magic event. Dahil dito, naging isa sa top trending topic ang “Janella Deserves Better.”

Samantala, sa isa pang tweet ni JC last Sunday, July 9, mababasa ang kanyang hugot na, “Don’t force someone to have time for you. Don’t beg for attention, love, consistency, assurance and time, because if they want, they will.”

Baka Bet Mo: Chie Filomeno may sariling pahina sa ‘Star Magic Catalogue’, inalala ang hirap noon: Worth it LAHAT!

Super agree naman ang mga netizen sa post ng “Drag You & Me” actor.

Sa Facebook account naman ni JC,  makikita pa rin ang kanyang cryptic post but this time, may paliwanag na siyang inialagay sa comment section.

Nilinaw niya na hindi para sa Star Magic ang kanyang post, “Bakit daming triggered na fans? Yung context hindi about don!


“Lagi ako nag popost nito at una nasa catalogue po ako, at hindi naman ako nag hangad sa iniisip nyo? Actually scholar nga ako (ni) Direk Lauren.

“Hindi ko namn expect na dami magko-conect na ‘to tapos papasok n’yo pa kapatid ko? Bakit tinamaan po kayo? guys about to sa life ko parang hindi namn kayo nakaramdam nito,” aniya pa.

Isang netizen ang nagkomento ng, “JC Alcantara the design is very papansin and for clout kasi. Sinakto mo talaga sa release ng Star Magic catalogue yung pagpost no? Or baka nagkataon lang naman.”

Sagot naman sa kanya ni JC, “Wala nga akong alam saka ano naman paglalaban ko sa Star Magic Catalogue? Nandon naman ako, sana nag-check muna kayo lahat ng mga post ko kung bakit ako nagdadrama hahaha.”

Dimples 7 buwang buntis nang mag-pictorial para sa 2023 Star Magic Catalogue; Jolina hindi na ‘very notebook’ ang photo shoot

Janella Salvador naetsapwera sa cover ng 2023 Star Magic catalogue, cryptic tweet viral na: ‘Ah K…noted’

Read more...