Dimples 7 buwang buntis nang mag-pictorial para sa 2023 Star Magic Catalogue; Jolina hindi na 'very notebook' ang photo shoot | Bandera

Dimples 7 buwang buntis nang mag-pictorial para sa 2023 Star Magic Catalogue; Jolina hindi na ‘very notebook’ ang photo shoot

Ervin Santiago - July 10, 2023 - 07:39 AM

Dimples 7 buwang buntis nang mag-pictorial para sa 2023 Star Magic catalogue; Jolina hindi na 'very notebook' ang photo shoot

Dimples Romana at Jolina Magdangal

NAG-SHARE ng kani-kanilang experience ang apat na Kapamilya stars na nakasama sa inilabas na 2023 Star Magic Catalogue.

Ibinahagi nina Jolina Magdangal, Robi Domingo, Dimples Romana at John Arcilla ang mga bago nilang karanasan nang sumabak sila sa pictorial para sa nasabing catalogue.

Paglalarawan ni Jolens, ibang-iba na raw ang paggawa ngayon ng Star Magic sa kanilang catalogue, “Dati sobrang simple lang. Parang ang schedule dati meron kang schedule dito, go!

“Isa lang, ako lang yung nandu’n sa pagkakaalala ko. Yung ngayon parang feeling ko dahil may social media at marami ng digital, talagang nasisiksik sa isang time yung mga pwede mong magawa. Hindi ka lang pi-picture, may ikutan talaga,” sey pa ni Jolina sa isang panayam.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)


Chika pa niya, “I think para sa isang nanay okay yun, kasi yung time nandu’n na lahat, nagawa mo na lahat. Pam-promo na lahat. Dati kasi pictorial lang tapos mag-schedule ulit ng promo tapos iba-iba.

“Na-enjoy ko siya kasi yung mga unang catalog dati very notebook ang mga posing pero dito parang talagang pinapakita yung ibang side ng artist,” aniya pa.

Kuwento naman ni Dimples base sa report ng Push, “When I shot this with I think Dookie (Ducay), and my usual glam team, I was 7 months pregnant with Elio.

Baka Bet Mo: Fans nina Julie Anne at Jolina nagbardagulan, sino nga ba ang karapat-dapat tawaging ‘Pop Icon’?

“Looking at it now parang nakaka-warm ng puso kasi as you know, Star Magic 30, but also special time of my life. So, ang ganda parang na-capture yung moment na nanay ako.

“Nakita mo naman kung gaano ako ka-professional. Hindi mugto yung mata ko. ‘Wag po kayong mag-alala sanay na po ako. Ako po ay naga-artista, 27 years na po.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 🍀🦋 Jolina Magdangal Escueta 🦋🍀 (@mariajolina_ig)


“I’m just saying that we all have our battles everyday none of them… none of you will know of it, but at the end of the day when we are pros, we show up. And since Star Magic is also family, we show up for family,” chika pa ng Kapamilya aktres.

Para naman kay Robi Domingo, “I feel so happy. Every time I look at the catalogues, it feels like a journal to me na every single year something changes, and apparently since 2008 a lot has changed.

“Over the years I feel really blessed to see this family keeping on growing. And also even if lots of things have changed one thing remains constant, and that is the magic of Star Magic,” sey pa niya sa isang interview.

Sa kauna-unahang pagkakataon naman, napasama sa Star Magic Catalogue ang award-winning actor na si John Arcilla.

“This is very important and at the same time this is such a kind of flattery for me. When you say Star Magic it’s equivalent to ABS-CBN, and all the people whom I respect, I trust, I admire, and I love are here,” pahayag ni John na napapanood pa rin ngayon sa Kapamilya series na “Dirty Linen.”

Janella Salvador naetsapwera sa cover ng 2023 Star Magic catalogue, cryptic tweet viral na: ‘Ah K…noted’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jolens 32 years na sa showbiz, hiyang-hiya pa rin kapag tinatawag na ’90s icon’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending