Korina Sanchez may posibilidad na sumabak sa politika; Mar Roxas nakatutok sa pag-aalaga kina Pepe at Pilar
HINDI naman pala tinutuldukan ni Korina Sanchez-Roxas ang pagpasok sa politika dahil gusto niyang ipakita sa anak niyang si Pilar na kaya rin ng mga babae ang magsilbi sa bayan.
Ito ang pahayag ni Ms. K sa programang “Reality Check with Tito Sotto” sa NET 25 na umere nitong Sabado, Hulyo 8.
Matatandaang sa tuwing nakakapanayam namin ang batikang broadcaster sa mga mediacon ng mga programa niya katulad ng “Tiktalks” sa TV5 pitong buwan na ang nakararaan ay laging natatanong kung may plano siyang pasukin ang politics.
At ang lagi niyang sagot ay masaya siya bilang politicians’ wife and mother to her kids at nakakatulong din naman siya sa ibang tao plus enjoy siya bilang TV host.
View this post on Instagram
Going back to “Reality Check” interview ay natanong siya ni Tito Sen ng, “Wala ka bang balak tumakbo sa public office?”
Marami kasing magagandang ideya si Ms. K na malaki ang maitutulong kung may posisyon siya sa gobyerno.
“Naisip ko na ‘yan, yeah I thought about it but because Mar (Roxas, asawa niya) was into politics already I didn’t think it was necessary puwede namang bulungan ko na lang siya, di ba?
“Ngayon na wala na siya diyan naiisip ko, pero ang kumokontra sa isip ko is the time with my children,” pahayag ni Korina.
Baka Bet Mo: Korina Sanchez nagpasalamat nang bonggang-bongga sa 5 kasambahay na katuwang niya sa pag-aalaga kina Pepe & Pilar
“Ayun, baka mas malala ‘yan kaysa sa broadcast,” tugon naman ni Tito Sen.
“Siyempre isipin mo rin these are two human beings na kailangan palakihin mo nang tama at magkaroon ka ng magandang kontribusyon sa mundong ibabaw,” saad ng host ng “Rated K” na mapapanood na ngayon sa Kapamilya channel.
“Sabi ko nga in the next few years you’re thinking of medyo toning down para mas (may) panahon sa kanila (Pepe and Pilar),” say pa ng TV host.
“But sometimes Tito Sen na maganda ring ipakita kay Pilar na kaya rin ng babae. Na ang babae dapat may boses din sa lipunan, so, darating at darating kung para sa akin talaga,” pananaw ni Korina.
View this post on Instagram
“In other words hindi puwedeng isara ang pinto?” tanong ni Tito Sen.
Sabi agad ng mama nina Pepe at Pilar, “Ay wala akong pinagsasarhan ng pinto.”
Sa 14 years of marriage nina Mar at Korina ay hindi huminto sa pagtatrabaho ang huli, “Dineklara ko talaga sa kanya (Mar) na I will be a working woman. I would be a working mom, dineklara ko talaga iyon sa kanya.”
Natawang sabi ni Tito Sen, “Knowing him he would agree!”
“Of course he would agree, aba libre siyang gawin ang mga gusto niyang gawin kasi busy ang asawa. Gusto mo ba ang asawang nakatutok ganyan-ganyan lang. I’m sure Tita Helen (Gamboa) kahit nasa bahay lang hindi ka kinukulit?” sabi ni Korina.
Kinumusta rin ni Tito Sen si Ginoong Mar, “Ayun cho-cho sa kambal parang (gusto kong sabihin), ‘oy excuse me ako nanay niyan, ha? Kailangan gumanu’n ako paminsan-minsan.
“Because I work, I continue to work everyday and his more at home than I am kasi matanda na rin ang mom niya, so, gusto niya parati na rin niyang kasama, panego-negosyo ganu’n,” paglalarawan ng TV host sa asawa.
Say pa ni Tito Sen, “Mayroon kayong two adorable kids na nakikita ko sa litrato, Pepe and Pilar, ilang taon na sila ngayon?”
View this post on Instagram
“Kaka-four pa lang, pero parang 14 pag nagsalita parang mga teenager na, eh. Nagulat ako talagang pinapagalitan ako pag umuuwi ako (ng late), ‘Mama, where did you come from, why only now?’ Sabi ko, di ba mga Ilonggo kayo kailan kayo natutong mag-Ingles? Kasi mga Ilonggo dati ‘yan.
“Kasi sa compound namin Tito Sen lahat ay taga-Negros mula lola hanggang hardinero, e, compound ang daming tao diyan, so, lahat ng kasama ng mga anak ko pati care giver nila ganu’n din.
“Malalim ang Ilonggo nila at ‘yung punto nila talagang (kuha). Pati ‘yung mga Ilonggo nabibilib.
“Sasabihin ni Mar sa kanila, ‘Mama English (magsalita), but to Papi, only Ilonggo. Kaya kapag ‘yung dalawa nag-i-English, sabi niya (Mar), ‘I’m sorry Ilonggo gid tayo, so, Ilonggo silang magsalita,” paglalarawan ni Korina sa mga anak nila ni Mar.
Dagdag pa, “So, they speak three, Ilonggo, English and Tagalog. Matatas mag-Tagalog saka lahat ng kanta ni April Boy Regino (alam nina Pepe at Pilar). Tinuturuan ko sila ng Pranses (French), pero ‘yung Pranses nila meron pa ring puntong illonggo.”
Habang sinusulat namin ito ay nai-imagine namin ang kambal lalo’t may ideya kami kung paano sila mangulit sa mama at papi nila dahil pino-post naman ni Ms. K ang kanilang mga video sa social media.
Anak nina Korina at Mar naaksidente sa swimming pool: Mukhang knockout sa kalaban, eh!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.