#GODDAMMIT: John Arcilla ang lakas maka-Daniel Padilla sa Star Magic Catalogue
By: Alex Brosas
- 1 year ago
Daniel Padilla at John Arcilla
MASYADO nang associated si John Arcilla sa kanyang Carlos Fiero character kaya naman kahit saan event siya mapunta ay talagang hindi puwedeng mabanggit ang character niya sa “Dirty Linen”.
Parang given na kapag may pinuntahang event si John at may photo op, ang magiging reaction ng mga tao ay ang kanyang Carlos Fiero character.
We’re saying this dahil sa kanyang recent post about the catalogue launch ng isang starbuilder company ay talagang marami ang nag-react, most of them, if not all of them, reacting and mentioning his “Dirty Linen” character na talaga naming nagmarka sa mga manonood.
Parang hindi maka-get over ang televiewers and netizens sa galing na kanyang ipinamalas sa nasabing teleserye lalo pa’t muling ang kanyang Carlos Fiero character.
Sa short Instagram video niya, nag-react si John sa pagkakapuwesto ng kanyang photo.
“Nasa gitna. Very dramatic,” say niya.
Sa comment section ng Instagram post ni John, bentang-benta ang mga reaction ng netizens, lahat ay updated sa latest development ng kanyang TV character.
“Masakit pa yung isang shoulder ni sir Carlos di pa sya nakaka recover sa sunog.. charot! Congrats po sir @johnarcilla.”
“Wow! ang ganda ng permanship mo Sir at happy ako nakatabi mo si Belle Mariano love you both.”
“Nagbabalik, lagot kayo kay sir Carlos Leona humanda kayo.”
“Like ko yang catalogue na yan heneral!”
“Masakit ulo mo sir carlos sa picture dahil ba kay Lala? Hahahaha.”
“Naks! Cool and dashing. Mukhang may masamang balak kayo Heneral sa photo shoot ah hehe.”
“Daniel Padilla ang level, heartthrob si Carlos Fiero.”
“Idol Carlos Fiero!!!! GODDAMMIT!!!!”
“Goddammit, CARLOS FIERO, why are you so good!”
“GADAMET nasa likod mo yung mga magulang mo Carlos @johnarcilla.”
Samantala, muntik nang makita ng character ni JC Santos si Carlos (John) sa latest episode ng “Dirty Linen”. Nakatago lang sa likod ng kurtina si Carlos kaya hindi siya nakita ni JC.
Nagpakuha na si Carlos kay Aidan (Zanjoe Marudo) at sinabi nito na itaga siya sa bahay nila sa La Muerte. Pero sinabihan siya ni Aidan na hindi ito possible dahil nakatira doon si Alexa (Janine Gutierrez).