Kyla ‘wish’ maka-collaborate si Adie, SB19: ‘Ang gagaling kasi nila!’
IBINUNYAG ng binansagang Queen of R&B na si Kyla ang ilan lamang sa mga nais niyang maka-collaborate sakaling mabigyan ng chance.
Sila’y walang iba kundi ang OPM artist na si Adie, pati na rin ang Pinoy pop sensation na SB19!
Ito ang nai-share mismo ng singer nang tanungin siya ng press sa isinagawang press conference kamakailan lang.
Kwento niya, “Sa totoo lang kasi ang galing. Yesterday, nag-taping kami ng ASAP and then sa hallway, parang I bumped into Adie.”
Baka Bet Mo: Kyla walang balak baguhin sa nakaraan: ‘Everyone in my life are sent from the heaven…’
“And he’s one of the artists that I liked listening to and I like the songs, and his voice is really nice too. I like to collaborate with artist like Adi,” sey pa niya.
Ani pa ni Kyla, “Ang dami ko pong gustong maka-collaborate sa totoo lang. Kailangan pa po namin kausapin ang managers nila.”
“Bukod kay Adie, SB19! Ang gagaling din nila,” sambit pa ng singer.
View this post on Instagram
Matatandaan noong July 6 nang humarap sa media ang OPM icon upang ichika ang mga kaabang-abang na pasabog para sa upcoming reunion concert nila ni Jay R sa darating na September 2.
Nauna nang sinabi ni Kyla na bukod sa kanilang show ay tiyak na magkakaroon pa rin ng future collaborations at projects silang dalawa.
Paliwanag niya,“Parang for me kasi ‘yun ‘yung i-eexpect mo from us all the time.”
“I have already collaborated with some artists, but as I go back, like, collaborating with him kasi it’s like staying true to yourself. This is me and this is the kind of music that we do,” sambit pa niya.
Saad pa ng singer, “Parang collaborating with Jay R, writing with him, working with him, iba. Kasi he brings out the good in me when I’m performing as an artist.”
Related Chika:
Kyla umaming ‘nangungulila’ sa pamilya na nasa Canada na ngayon, pero…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.