Raul Dillo napaiyak sa surpresa ni Bernadette Sembrano, tinupad ang matagal nang hiling | Bandera

Raul Dillo napaiyak sa surpresa ni Bernadette Sembrano, tinupad ang matagal nang hiling

Therese Arceo - July 07, 2023 - 02:30 PM

Raul Dillo napaiyak sa surpresa ni Bernadette Sembrano, tinupad ang matagal nang hiling
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang tinaguriang “Pinoy Frankeinstein” na si Raul Dillo nang bisitahin siya ni Bernadette Sembrano para bigyan ng regalo.

Sa latest vlog kasi ng ABS-CBN news anchor ay ibinahagi nito ang kanyang pangungumusta sa dating komedyante.

Matatandaang nag-viral noon si Raul matapos ang paghingi nito ng tulong kay Coco Martin sa pamamagitan ng isang video para humingi ng trabaho at patuloy na matustusan ang kanyang pamilya.

Dito nga ay naikuwento ng komedyante na noong natigil siya sa paglabas sa telebisyon ay nagkaroon sila ng negosyo. Nagtitinda sila ng mga pagkain gaya ng mga pansit, lugaw, biko, at iba pana siyang pangunahing pinagkukunan nila ng panggastos sa araw-araw ngunit natigil ito nang magkaroon siya ng sakit.

Eventually ay nawala ang mga naipundar ni Raul gaya ng motor na siyang gamit nila sa paghahanapnuhay.

Nakarating naman ang panawagan ni Raul sa Kapamilya actor at naging bahagi na siya ng “FPJ’s Batang Quiapo”.

Binisita nga ni Bernadette ang tinaguriang “Pinoy Frankeinstein” ang kasalukuyang tinutuluyan upang tignan ang sitwasyon nito.

Matapos ang kanilang kumustahan ay naging emosyonal si Raul dahil sa naging surpresa ng ABS-CBN anchor.

Baka Bet Mo: Raul Dillo a.k.a Pinoy Frankeinstein humingi ng tulong kay Coco Martin

Pinagkalooban kasi siya ng isang bagong tricycle ni Bernadette na matagal na niyang inaasam buhat nang mahatak ang kanyang motor dahil hindi na nababayaran.

Napaiyak pa nga si Raul na halatang nagulat at hindi makapaniwala sa surpresang nasa harap niya.

Agad siyang sumakay upang subukan ang bago niyang motor.

“Sobrang saya ko po ngayon. May service na kami,” sey ni Raul habang pinapahiran ang luha.

Labis rin ang kagalakan niya nang iabot ni Bernadette ang dokumento na nagpapatunay na kanya ang naturang tricycle.

“Maraming maraming salamat po, Ma’am. Hindi ko po ine-expect na magkakaroon ako ng motor. Matagal po kasi akong nawaln ng motor e. Ganito rin po yung motor na nawala sa akin… ang laking bagay rin kasi na may sasakyan ka,” naiiyak na sabi ni Raul.

Dagdag pa niya, “Ang laking blessing sa akin njto Ma’am.”

Super grateful talaga ni Raul sa kanyang natanggap na regalo at masaya rin si Bernadette na mabigyan ng pagkakataon na makatulong sa iba pa.

“Sana mas matulungan natin ang Kuya Raul na makapagsimula uli,” sey ni Bernadette.

Related Chika:
Bernadette Sembrano humagulgol nang bisitahin si Alex Gonzaga: Grabe! Hindi ko ‘to in-expect…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Raul Dillo pasok na sa ‘Batang Quiapo’, thankful sa madlang pipol: Kung hindi dahil sa inyo ay hindi ako mapapansin ni Direk Coco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending