Pia Wurtzbach nakisali sa bagong app na ‘Threads’, chinika ang ‘worst experiences’ sa Twitter
ISA sa mga naki-join sa bagong social media app na tinatawag na “Threads” ay si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Para sa mga hindi pa masyadong aware, ang nasabing app ay binuo ng kumpanyang Meta upang makipag kompetensya sa Twitter.
Isa itong text-based platform ng Instagram na pwedeng mag-post ng texts ng hanggang 500 characters, pati links, pictures at videos na hanggang limang minuto ang haba.
Anyway, ibinandera nga ni Pia ang kanyang first-ever post sa “Threads” na kung saan ay tila hinihiling na sana mas ligtas ito kaysa sa karibal na socmed app.
Baka Bet Mo: Pia sa mga in-love pero ayaw umamin: Habang itinatago mo ang feelings mo, hindi mo malalaman ang answer…
“Finally a place where we can write down our thoughts and not get death threats for having an opinion,” caption niya.
Sey pa niya, “Hopefully Meta can keep this app troll-free!”
Kasunod niyan ay nagkuwento na ang beauty queen tungkol sa mga masasamang karanasan niya sa Twitter.
Chinika niya na nagkaroon siya ng “death threats” sa nasabing app, pati na rin stalking at hate comments ay naranasan din niya.
“Getting hate tweets literally every 30 seconds in 2020 when I voiced out my opinion on the Anti-Terror Bill,” chika ni Pia.
Dagdag pa niya, “I remember not even shading the [government] or the president. I just tweeted a hashtag and got so much hate.”
“One of the worst was ‘saksakan ko ng tubo p*ke mo, bobo ka walang alam’,” lahad pa niya.
Dahil daw sa nangyari, kinailangan niyang mag-uninstall ng nasabing app upang maiwasang magbasa ng mga ganitong klaseng post laban sa kanya.
Kwento niya, “I had to uninstall the app for a week to avoid checking the mentions.”
Bukod diyan ay ibinhagi rin niya kung paano siya na-stalk at pinagtripan ng isang anonymous account ng ilang taon.
“I also remember being stalked & ridiculed by a certain account for YEARS. And regularly too,” saad ng beauty queen sa Threads.
Aniya pa, “This person was reading into every single post, comment, video I was doing on every platform, including all my family & close friends.”
“They would also message the endorsements & brands I work with to destroy me with made up narratives. It was wild,” dagdag pa niya.
Nabanggit din niya na ilang beses na niya itong ni-report sa Twitter, ngunit wala naman daw itong ginawang aksyon.
“I reported MANY many times with clear evidence but Twitter did nothing,” sambit niya.
Patuloy pa niya, “It was clearly slander & abusive behavior. I had to sit there & take it for years.”
Related Chika:
Toni Gonzaga ‘unbothered’ kahit inaayawan ng netizens: They are the reasons why we are here today
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.