K Brosas hindi kailangan ng lalaki para makumpleto ang buhay: ‘Ano ka puzzle? Kapag ibinigay ni Lord, why not…pero ayoko ng pilit’

K Brosas hindi kailangan ng lalaki para makumpleto ang buhay niya: 'Ano ka puzzle? Pero kapag ibinigay ni Lord, why not...pero ayoko ng pilit'

K Brosas

KAYANG-KAYANG mabuhay ng singer-comedienne na si K Brosas kahit walang lalaki sa kanyang buhay.

Yan ang ipinagdiinan ng komedyana sa guesting niya sa Wednesday episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kung saan napag-usapan nga ang tungkol sa estado ng kanyang lovelife.

Ayon may K, hindi naman niya tuluyang isinasara ang kanyang puso sa pagkakaroon ng bagong dyowa pero feeling niya kahit wala siyang karelasyon ay okay na okay pa rin siya.


“Are you closing your doors?” ang diretsang tanong ni Tito Boy kay K matapos sabihing happy na siya sa pagiging single lady.

“No. Nandoon lang ako sa, okay na ako. Kasi okay naman talaga ako as single. Lagi kong sinasabi na hindi ko naman kailangan ng lalaki to define me,” pahayag ng aktres at singer.

Baka Bet Mo: K Brosas napaiyak sa napurnadang dream house, grabe ang panic attack: Masakit, kasi ang tagal kong nagmakaawa…

Hindi rim daw naniniwala si K Brosas sa mga nagsasabing may isang taong darating sa buhay niya para makumpleto ang pagkatao niya.


“Ano ka puzzle? Hindi ka naman puzzle. Lego? Pero kapag ibinigay ni Lord, why not. Pero ayoko ng pilit,” aniya pa.

Sa “Fast Talk” segment, kung ikukumpara sa kulay ng traffic light ang kanyang puso, pula raw ito ngayon.

“Red. Tapos minsan yellow. Magulo siya. Pero definitely hindi go. Pero hindi po ako naghahanap. Kung darating siya, darating din. Pero kapag hindi, okay na ako,” mariin pa niyang sabi.

K Brosas hindi iuurong ang kaso sa dating contractor ng bahay: Kung mahina-hina kang tao, tiyak bumigay ka na sa pinagdaanan ko

K Brosas umapela sa madlang pipol na nagpa-book sa Siargao: ‘Wag muna tayo magpa-refund

Read more...