May puso ang Archers | Bandera

May puso ang Archers

- July 26, 2010 - 12:11 PM

LUCKY SHOT By BARRY PASCUA

MAY kutob na nga ba ako na masisilat ng De La Salle Green Archers ang Ateneo Blue Eagles sa una nilang salpukan sa 73rd season ng University Athletic Association of the Philippines noong Sabado sa Araneta Coliseum.
Sa pakiwari ko kasi makakabalik sa Final Four ang Green Archers sa season na ito matapos na mabigo noong nakaraang taon. Kasi nga’y nag-rebuild naman sila noong nakaraang season. Ang dami nilang mga bagong manlalaro. Sabay-sabay ang mga rookies na pawang mga bata at hindi pa tried and tested.
So, understandable naman na masilat sila.
Pero papasok sa season na ito ay nagkaroon na ng experience ang ilang manlalaro ng La Salle bagamat nagpatuloy ang rebuilding process nila. Marami pa ring mga baguhang idinagdag sa team at bago rin ang kanilang head coach na si Dindo Pumaren na humalili sa kanyang kapatid na si Franz na nagbitiw upang pagtuunan ng pansin ang daigdig ng pulitika.
Maganda ang simula ng kampanya ng La Salle na siyang host ng season na ito. Dinurog ng Green Archers ang bahagyang pinapaborang University of the Philippines Fighting Maroons, 80-62.
Subalit nasilat naman sila ng umaasensong National University Bulldogs, 59-55, sa sumunod nilang game so ang pananaw ng mga eksperto’y kulang sa consistency ang Green Archers.
Pero kung titingnang maigi, hindi naman nakakagulat na matalo ang La Salle sa NU. Hindi nga ba’t sinilat sila ng Bulldogs sa huling game nila sa elims noong nakaraang season at iyon ang naging dahilan kung bakit hindi sila nakarating sa
Final Four? Pinatunayan lang ng Bulldogs, na nasa ilalim din ng bagong coach na si Eric Gonzales, na hindi tsamba ang panalong iyon.
Well, nakabangon ang La Salle sa kabiguang iyon nang padapain ng Green Archers ang University of the East Warriors, 82-63. At gumanda nga ang pakiramdam ni Dindo bunga ng panalong iyon laban sa koponang hinawakan niya sa loob ng apat na taon. Dehado nga ang La Salle sa UE sa odds dahil sa ang Warriors ay sumegunda sa Ateneo noong nakaraang taon.
Kapwa may 2-1 records ang Blue Eagles at Green Archers nang sila’y magtagpo noong Sabado at pakiwari nga ng karamihan ay kaya ng Ateneo ang La Salle. Kasi nga’y dalawang taon nang hindi nagwawagi ang Green Archers sa Blue Eagles. Huli silang namayani noong Setyembre 2007. At parang doon nga papunta ang istorya dahil nakapagposte ng 60-51 abante ang Blue Eagles papasok sa huling limang minuto ng laro.
Pero nagpamalas ng kakaibang puso ang Green Archers at nakabawi sila sa pamamagitan ng 15-3 wind-up
upang ipalasap sa nagtatanggol na kampeon ang ikalawang kabiguan sa season na ito.
Malaking morale booster ito para sa Green Archers. Iniaanunsiyo nila sa lahat ng kalaban sa UAAP na “we’re back!”
Sa Miyerkules ay muling masusubukan ang Green Archers dahil sa ang kanilang makakatagpo ay ang pre-tournament favorite Far Eastern University Tamaraws. Kapag nakalusot sila, aba’y makukuha pa nila ang liderato!
Kung magkakaganoon, puwede nang mangarap si Dindo na masundan ang yapak ng kanyang mga kapatid na sina Derick at Franz bilang isang champion coach din!

Bandera, Philippine sports, 072610

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending