Pokwang nabaitan kay Zeinab Harake

Pokwang nabaitan kay Zeinab Harake: Siya pa talaga nag-remind sa ‘kin to help me with our new vlog

Pauline del Rosario |July 03,2023
facebook
share this

Pokwang nabaitan kay Zeinab Harake: Siya pa talaga nag-remind sa ‘kin to help me with our new vlog

Pauline del Rosario - July 03, 2023 - 02:35 PM

Pokwang nabaitan kay Zeinab Harake: Siya pa talaga nag-remind sa 'kin to help me with our new vlog

Pokwang, Zeinab Harake

NAKATANGGAP ng papuri ang social media star na si Zeinab Harake mula sa actress-comedienne na si Pokwang.

Ito ay ibinandera pa mismo ng komedyana sa kanyang Instagram Stories na kung saan ay sinabi nga niya na nababaitan siya kay Zeinab.

Ibinunyag ni Pokwang na magkakaroon sila ng collaboration ng socmed star at nagkusang loob pa itong nag-offer ng tulong para sa gagawin nilang content.

Lahad sa caption ng komedyana habang pinapakita ang screenshot ng conversation nila, “Napakabait na tao nitong si @zeinab_harake.”

Baka Bet Mo: Pokwang pinadalhan ng bulaklak, may bagong pag-ibig na ba?

“Siya pa talaga nag-remind sakin to help me with our new vlog [folded hands, red heart emojis] God bless you more,” aniya pa.

Samantala, makikita naman sa sinend na convo ni Pokwang ang iba pa niyang papuri para kay Zeinab.

Mensahe niya, “Awwwwwww sobrang hanga din ako sa tapang at pagsisikap mo nak. Deserve mo lahat ng meron ka ngayon nak [emojis] See you soon…yaaaaaay [clapping hands emojis] love you!!!”

Nag-reply naman sa kanya ang vlogger at sinabing, “ma kelan mo want mag-collab and ayusin yt [YouTube] mo po.”

Sagot naman sa kanya ng komedyana ay sa Huwebes o kaya sa Biyernes kung kailan libre si Zeinab.

Kung maaalala noong nakaraang buwan ay nakiusap si Pokwang sa madlang pipol na huwag nang tangkilikin ang dati niyang YouTube channel kasama si Lee O’ Brian.

Sey pa ng komedyana, siya ang nagpakahirap pero iba ang nakikinabang sa naturang YouTube channel.

kaya naman nanawagan siya na ang bagong YouTube channel kasama ang bunsong anak na si Malia na lang ang i-subscribe dahil doon na rin siya mag-a-upload ng bagong vlogs.

Matatandaang noong June 20 ay naglabas ng opisyal na pahayag ang komedyana na wala na siyang kinalaman sa PokLee food business, maging sa mga social media accounts nila ng kanyang dating partner.

Sinikap daw ni Pokwang na makipag-usap upang ma-recover at mapasakamay nila ang access ng mga ito ngunit sa kasamaang palad ay hindi pumayag ang partido ni Lee.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Barbie Forteza shookt sa mga papuri ng Pinoy viewers sa ‘Maria Clara at Ibarra’: Hindi po namin inaasahan ‘to!

Zeinab Harake patunay sa pagiging totoong kaibigan ni Awra: Andito rin kaming mga totoong ipaglalaban ka!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending