DUMULOG ang trio na sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros upang ireklamo sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon o mas kilala bilang TVJ.
Sa episode ng “Wanted Sa Radyo” na ipinalabas kahapon, June 29, pabirong nagsumbong ang JoWaPao upang idulog ang kanilang problema sa tatlo dahil sa wala silang trabaho.
“Ang unang sumbong nito idol, wala daw silang sweldo. Di raw sila sumusweldo. E paano susweldo, wala namang trabaho,” natatawang saad ni Vic.
Matapos ang kanilang biruan ay nagseryoso na ang nga nasa show at nagkuwento ukol sa mga nangyari noon sa “Eat Bulaga” hanggang sa lumipat na nga ang mga ito sa TV5.
“Hindi namin akalain na ganito pala katindi ang TV5… Nagpapasalamat kami na nagkaroon kami ng bagong bahay, ng bagong tahanan,” lahad pa ni Tito Sen.
Naungkat rin ni Sen. Tulfo ang patungkol sa kung ano ang magiging title ng kanilang magiging show sa TV5.
“Ang plug naman natin is ‘Ang TVJ nasa TV5 na’, ‘yun ang plugging. Pero ang aming titulo na amin naman talaga, si Joey de Leon ang nag-imbento, ‘yung Eat Bulaga, meron kaming prosesong inaantay para maging maayos st hindi magkaroon ng balakid.
“So habang inaantay namin ‘yun, pwede muna kaming gumamit ng iba,” sey ni Tito Sen.
Natanong rin ni Tulfo kung ano nga ba ang dapat na abangan ngayong muling magbabalik ang legit dabarkads sa telebisyon sa bago nilang tahanan.
“Una ‘yung mga kinagigiliwan nilang mga portions tsak ‘yung gawain namin doon sa Eat Bulaga ay ie-enhance pa namin st magkakaroon pa ng mga bagong mga portions o bagong mga update,” saad ni Tito Sen.
Pagbabahagi naman ni Joey, may mga pagbabago sa kanilang mga titulo sa kanilang mga segments.
Natanong rin kung may mga bago pang mga hosts na makikita sa pilot episode sa Sabado.
Sey ni Vic, “Abangan na lang nila pero kasama pa rin natin itong tatlong wanted [Jose, Wally, Paolo], si Maine, si Ryza, at ‘yung Cebuana nating magaling kumanta, si Karen.”
Singit ni Tulfo, ibabalik nga raw ba ang AlDub pero biro ni Vic, “Depende kay Al. Yung Dub nandito lang naman yan.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.