Awra Briguela gigil na gigil, pinasasaringan nga ba si Ricci Rivero: Grabe tigas ng fes | Bandera

Awra Briguela gigil na gigil, pinasasaringan nga ba si Ricci Rivero: Grabe tigas ng fes

Therese Arceo |June 29,2023
facebook
share this

Awra Briguela gigil na gigil, pinasasaringan nga ba si Ricci Rivero: Grabe tigas ng fes

Therese Arceo - June 29, 2023 - 06:31 PM

Awra Briguela gigil na gigil, pinasasaringan nga ba si Ricci Rivero: Grabe tigas ng fes

ANG basketbolistang si Ricci Rivero nga ba ang pinariringgan ng dating child star na si Awra Briguela?

Kapansin-pansin kasi ang tweet ng social media personality matapos ang naging interview ng basketbolista sa “Fast Talk With Boy Abunda”.

“grabeh tigas ng pes parang rock,” saad ni Awra.

Sa nagdaang interview ni Ricci ay sinagot nito isa-isa ang mga katanungan ukol sa kanilang paghihiwalay ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes gaya ng tunay na dahilan kung bakit nga ba nagdesisyon ang dalawa na tapusin ang relasyon at ang pagkaka-involve ng beauty queen-politician na si Leren Mae Bautista.

Marami naman sa mga netizens ang nag-reply sa tweet ni Awra at tila pinatutungkulan nga ang basketbolista.

“gigil nga ko sa jowa ko naririnig ko pinapanuod nya haha. halatang pinag iisipan bawat isasagot,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa sa tweet ni Awra, “Sobra.. girl ng friend? At midnight? Naka twalya? Lokohin nya lolo kong 100 years old.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Baka Bet Mo: Awra matagal nanahimik sa socmed: Nasa point pa rin ako ngayon na naghi-heal…

“daming ebas. sumikat lang naman nung nadikit kay andrea HAHAHAHA,” sey naman ng isa.

May ilan naman na tila nairita kay Awra dahil feeling daw nito ay siya ang dyinowa kung magalit.

For sure naman ay nagre-react lang ito dahil isa si Andrea sa kanyang malalapit na kaibigan sa showbiz.

Matatandaang noong unang umugong ang isyu ukol sa paghihiwalay nina Andrea at Ricci at ang paglalabas ng statement ng huli ay sunud-sunod rin ang naging tweet ni Awra.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, wala pa namang inilalabas na reaksyon si Andrea sa mga naging pahayag ng dati niyang karelasyon sa naging interview nito.

Related Chika:
Awra Briguela super proud bilang working student: Inalagaan talaga ako nina Kuya Coco at Ate Vice

Ricci Rivero: Please respect our decision to keep it to ourselves

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending