Kuko nangingitim, hindi naman patay | Bandera

Kuko nangingitim, hindi naman patay

Dr. Hildegardes Dineros - October 18, 2013 - 03:00 AM

GOOD evening po, doc. Ask ko lang po kung bakit nangingitim ang kuko ko sa paa at kamay, hindi naman po patay ang mga ito?
Tapos ang amoy ng ihi ko ay sobrang lakas ng panghi. Ano po ba ang gamot dito? Salamat po. — Joy, 54, Cotabato

Hello Joy, ang pangingitm ng kuko (kung hindi naman ito yung sinasabing “patay) ay senyales na kulang sa daloy ng dugo sa mga daliri. Maaaring kulang din ikaw sa vitamin B12, o kaya naman ay impeksyon lalo na ng fungus. Kadalasan, epekto yan ng paninigarilyo, diabetes, chemotherapy at iba pa.
Ang gamutan ay nakasalalay sa kung ano ang sanhi. Mapanghi ang ihi kapag may infection, diabetic acidosis, at kapag dehydrated. Magpa-urinalysis at FBS muna.

Doc, ano po ba ang gamot sa naglalagas ang buhok? At ano rin po ba ang gamot sa palaging mahapdi ang tyan kahit na anong kainin ko. — Nita, 52, Digos

Hi, Nita. Madalas na sanhi ng pagkalagas ng buhok ay “stress”. Hindi ka stressed sa trabaho mo? Take it easy lang.
Kung hindi naman stress, maaaring dahilan yan ng infection, at hindi rin imposible na maaaring dahilan niyan ay kung nasa lahit talaga ninyo ang nakakalbo.

Kung ano ang sanhi ay siya ring gamot, subalit ang pagkalagas na dahil sa “genetic” ito o nasa lahi nyo, mahirap yang gamutin.
Pwede ka gumamit ng Minoxidil scalp treatment. Meron epekto ang katas ng Aloe Vera plant.

Good afternoon, doc. Ako pala si Darwin ng Iloilo. Tanung ko po dok kung may bukol ka ba sa gilid ng dila ay may sakit ka na ng AIDS?

Ano po ang gamot don, dok. Nagbi-bleed pa ang gums ko. Ang ginagamit ko ay Betadine gurgle lang po.
Hello Darwin ng Iloilo.

Kailangan magpatingin ka sa doctor para ma-eksamin ang iyong bukol. Kung duda ka sa HIV-AIDS, magpa-test ka, huwag mo na itong patagalin pa.
Posible rin namang ang bukol na yan ay “inflammatory” lamang at maaari din na “tumor”.

May nais ka bang isangguni kay Dr. Heal? I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606, at abangan ang kanyang sagot tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending