Sey ni Isko, winner na winner ang mga Pinoy sa 3 noontime show sa bansa: ‘Ang dami nilang option ngayon, kumbaga sa hotel, buffet!’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Isko Moreno, Buboy Villar at Paolo Contis
PARA kay dating Manila City Mayor Isko Moreno, ang sambayanang Filipino ang winner sa kontrobersyal na mga kaganapan ngayon sa mundo ng telebisyon.
Walang isyu kay Yorme ang pagpapalabas ng Kapamilya noontime program na “It’s Showtime” sa GTV Channel na pag-aari ng GMA Network kung saan ipinalalabas naman ang revamped version ng “Eat Bulaga.”
Isa si Isko sa mga bagong host ng “Eat Bulaga” produced by TAPE Incorporated, kasama sina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar at ang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi.
Simula sa darating na July 1 ay ipalalabas na rin ang “It’s Showtime” sa GTV habang eere rin sa nasabing petsa ang pilot telecast ng bagong programa nina Tito, Vic & Joey sa TV5 na siyang papalit naman sa timeslot ng noontime show nina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro at Amy Perez.
Ibig sabihin, makakatapat ng “Eat Bulaga” nina Yorme at Paolo ang “Showtime” nina Vice sa parehong Kapuso channel.
“I’m happy for our people, why? Dami nilang option ngayon. Kumbaga sa hotel, buffet!” ang pahayag ni Isko sa panayam ng GMA Network nitong nagdaang June 27.
Sabi pa ng dating alkalde ng Maynila, sa nangyayari ngayong rigodon at mga pagbabago sa noontime programming, iisa lang ang ibig sabihin, buhay na buhay pa rin ang mundo ng telebisyon sa Pilipinas.
“Marami ng option ang tao and competition brings the best out of everybody. So, if everyone is doing their best so masaya ako para sa mga kababayan natin.
“Kasi ang mapapanood nila is mga the best. It’s a healthy competition and again and again in our own little way, Eat Bulaga and GMA Kapuso will do our best. Malaking bagay din naman ‘yung suporta ng GMA, napakalaking bagay,” pahayag pa ni Yorme sa nasabing interview.
Mensahe pa niya, “I wish everyone good luck. Uulitin ko there’s no monopoly of noontime show, but at the end of the day, kapakinabangan ba ng tao kapag gumaganda ang mga television shows sa free TV?
“If the answer is affirmative, then, I’m happy and humbled to have that kind of opportunity to offer good entertainment in noontime,” aniya pa.
Samantala, base sa mga nababasa naming mga post sa social media, atat na atat na ang mga loyal at legit Dabarkads sa mga pasabog ng TVJ sa bago nilang noontime show sa TV5.