Issa Pressman maswerte raw dahil parehong nae-enjoy ang pagmamahal ng lalaki at babae bilang bisexual

Issa Pressman maswerte raw dahil parehong nae-enjoy ang pagmamahal ng lalaki at babae bilang bisexual

Yassi Pressman at Issa Pressman

FEELING lucky and blessed ang social media personality na si Issa Pressman dahil pareho niyang nae-enjoy ang  pagmamahal at kalinga ng lalaki at babae.

Ngayong Pride Month, inalala ni Issa ang araw nang aminin niya sa kanyang tatay at kapatid na si Yassi Pressman na isa siyang bisexual, ibig sabihin pwede siyang ma-in love sa guy at sa girl.

Sa kanyang Instagram page, nag-post ang girlfriend ng aktor at record producer na si James Reid, ng mga litrato niya with her statement shirts na nagpupugay sa LGBTQIA+ community ngayong Pride Month.


“I would have not grown to be as expressive, honest & free if it weren’t for the people who allowed me to be.

“My own home & family accepted me, didn’t stop me nor judge me… so then, I felt like no one else can,” ang nakasaad sa quote card na isa sa mga ibinahagi niya sa IG.

“I’ve been blessed to experience love with both men (and) women. Blessed to be seeing who they are (and) how they loved me.

Baka Bet Mo: Bakasyon nina James Reid at Issa Pressman sa Palawan umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens, damay na naman si Nadine

“Seeing beyond the physical. It’s the heart, personality, dreams and the connection that becomes the basis of my relationship,” mensahe pa ng sisteraka ni Yassi.

Mababasa pa isa pang quote card na ipinost niya ang pagpapasalamat sa namayapang ama na si Ronals at kapatid niyang si Yassi sa 100% support na ibinigay ng mga ito sa kanya.

“At 16, I was living alone. One night, I couldn’t sleep, I decided to come out to her. It was surprising news for her but she accepted me. If any, it was a start of us being solid.


“A couple of years after, I told my dad. He was honest he wasn’t for it, but said, ‘If this is what makes you happy, then be it,’ and he was there for me all the way,” pahayag pa ng dyowa ni James.

Dagdag pa niyang paliwanag, “My point is, my character, bravery & honesty might have gone south if it weren’t for them. So may I inspire each household, friend group and work environment to accept and respect a loved one who wishes to or is too scared to come out.

“At the end of the day, we should be on the side of happiness. We want to see the people we love glow. Let them be PROUD,” paalala pa niya sa lahat.

Unang nag-come out bilang bisexual si Issa noong 2018, sa pamamagitan ng isang toothpaste commercial kasama ang kanyang ex-girlfriend.

AJ Raval wala nang paki sa mga iskandalo: Pero parang nae-enjoy ko rin po yung may mga isyu-isyu

Cristy Fermin hanga sa pangdededma ni Nadine sa ‘dyowa reveal’ nina James at Issa: ‘Yan ang dapat gawin, huwag magpaapekto!

Read more...