Bwelta ni Pokwang kay Lee O’Brian: ‘Kapal ng mukha, di ba? Pinangungunahan ang batas natin’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Lee O’Brian at Pokwang
TALAGANG isa sa mga laging ipinagdarasal ng Kapuso comedienne at TV host na si Pokwang ay ang mapalayas na sa Pilipinas ang ex-live in partner na si Lee O’Brian.
Sa latest Instagram post ng komedyana ay muli niyang ipinagdiinan ang palagi niyang hinihiling ngayon sa Diyos.
Wala mang binanggit kung ano ito, marami ang naniniwala na may konek ito sa inihain niyang deportation case laban sa dating karelasyong American actor.
Kamakailan, umapela si Lee O’Brian sa Bureau of Immigration na sana’y pag-aralang mabuti ang inihain niyang counter-affidavit bago magdesisyon sa deportation complaint ni Pokwang.
Sabi ni Lee sa isang panayam, “I’d like to say also, given the fact that the complainant is very well-known, widely known throughout this country and very, very influential, I am basically asking and pleading with the Philippine government and the Bureau of Immigration to look at my case, my deportation case, fairly and with justice, according to the merits of the case.
“And whatever I filed here, I would plead with them to look at it justly,” diin pa niya.
Samantala, makikita nga sa IG post kahapon ni Pokwang ang ilan sa mga natanggap niyang award kabilang na riyan ang latest achievement niya, ang pagiging Mrs. Universe Queen Celebrity Icon Ambassadress 2023.
Ani Pokie sa caption, “Lahat ng ito dahil sayo (two index fingers pointed upwards) #toGodbealltheglory isa nalang po ang hiling ko at alam mo na po iyon kayo na po bahala Amen (praying hands emoji).”
Maraming nagkomento sa IG post ng komedyana, may mga kumampi sa kanya at meron ding nangnega. Isang netizen ang nag-comment sa pagpa-file ni Lee ng counter-affidavit sa kinakaharap na deportation case.
“Sabi ni kano sana daw wag tignan ang kasikatan mo ng Immigration para pumanig sayo. He believes daw na pakikingan ng immigration ang side nya. OVERSTAY SYA KAYA DAPAT DEPORT SYA,” ayon sa isang IG user.
Sagot sa kanya ni Pokwang, “Kapal ng mukha diba?? Pinangungunahan ang batas natin?”
Meron ding IG follower si Pokie na nagtanong ng, “Mamang anong thoughts mo na nag counter affidavit si Afam? Just watched the news last night. Shokot siya kasi wala siya career sa US kapag jumuwi. LOL.”
Tanging laughing emojis lang ang tugon ni Pokwang sa kanya.
Kasunod ng paghahain ng counter-affidavit ni Lee, naglabas din ang abogado ni Pokwang na si Atty. Ralph Calinisan ng official statement hinggil dito sa pamamagitan ng social media.
“We maintain that Mr. William Lee O’Brian must be deported immediately from the Philippines.
“Undesirable aliens have no place in this country.
“With this case we are pursuing, we are putting a stop to the gross manipulation of Philippine Immigration laws and the acts of abuse against our client, Ms. Marietta Subong.
“The Philippines must be a safe place for everyone, especially us Filipinos,” ang nakasaad sa official statement ng kampo ni Pokie.