Rendon Labador inasar-asar ng netizens dahil sa bagsak-presyo ng motivational rice: ‘Wala na kasing kumakain… sawsaw pa more’
By: Alex Brosas
- 1 year ago
Rendon Labador
LAUGH nang laugh ang netizens sa bagong post ng motivational speaker na si Rendon Labador.
Kasi naman, tila bagsak-presyo na ang halaga ng kanyang food sa kanyang resto business.
Sa kanyang latest post sa Facebook, ini-report ni Rendon ang isang video from FOOD TRIP with this caption: Bagsak presyo para sa mga Pilipino #MotivationalRice”.
Sa video na aming napanood, P50 na lang ang controversial motivational rice at hindi na P100. Bagsak-presyo din ang ilang food prices, marami rito ay more than 50% ang ibinaba.
Sa comment section ng post ni Rendon, lait ang inabot niya. Talagang parang fiesta ang mga basher sa panlilibak sa kanya.
Lubos silang naging happy dahil ang feleing nila ay palpak ang motivational rice drama ni Rendon.
“What’s up with the discounted price on your comical no-good-for-nothing rice, Rendon? Having trouble on attracting customers to your resto bar? Hahahahaha.”
“Kala ko pa naman may paninindigan ka, idol! Disappointing.”
“Bagsak presyo kasi wla ng kumakain!”
“Ang hirap kase satin nagagalit tayu sa mga bagay na hindi natin naiintindihan.”
“Sana ma apply mo rin yan sa sarili mooo puro ka paki sawsaw sa mga problema at mga issue nang iba.”
“Motivational dapat may isang salita kapag bumaba ang presyo ibig sabihin hindi effective un motivational rice mo.”
“Malapet na KC maexpired Kya bagsak presyo, wulang bumibile bwahahhaaha… malapit n dn bumagsak baresto nya.”
“Ayos to ah. next time yan 20 nlng. Akala ko ba pang motivate yung 100 pesos na innapuy neto. 50 nalang daw kasi hindi namotivate sa 100pesos hahahaha.”
* * *
Masusubaybayan na ng mas maraming Kapamilya sa labas ng Pilipinas ang mga programa ng ABS-CBN dahil available na ang Kapamilya Online Live nang live at on-demand sa Japan, Hong Kong, at Singapore sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.
Libreng regalo ito ng ABS-CBN bilang pasasalamat sa mga manonood na patuloy na sumusuporta sa kanilang mga palabas matapos na makakuha ang Kapamilya Online Live ng higit 251 milyon views para sa primetime shows nito noong Mayo.
Matututukan ng mga Pinoy sa Japan, Hong Kong, at Singapore ang mga paborito nilang Kapamilya teleserye nang live, kasabay ng pag-ere ng mga ito sa Pilipinas.
Ilan sa mga programang available nang live at on-demand ay ang “FPJ’s Batang Quiapo,” “The Iron Heart,” “Dirty Linen,” at “It’s Showtime.”
Pwede ring magbinge-watch ng ibang mga palabas na siksik sa good vibes tulad ng variety show na “ASAP Natin ‘To” at ang musical game show na “I Can See Your Voice.”