Aktor nasira sa politika, bagsak-presyo ang talent fee; nanunulot ng project

By Julie Bonifacio August 22,2019
share this

Aktor nasira sa politika, bagsak-presyo ang talent fee; nanunulot ng project

By Julie Bonifacio August 22,2019
share this


BAGSAK-PRESYO na ang talent fee ng kilalang aktor pagkatapos masira ang pangalan sa politika. Kaya naman ang ilang independent producers ay interesado na kunin siya.

Pero ang masama lang, may tsika na nanunulot daw ng project ang aktor. Disappointed ang isang female coordinator (FC) ng producer sa aktor. Inatasan kasi ang female coordinator na mag-negotiate para sa mga sikat na lead actors para magbida sa ipo-produce na pelikula ng baguhang producer.

Supposedly, magmi-meeting pa lang si FC kasama ang producer ng film sa manager at artist na kukunin nila for the project. Pero pina-cancel din agad ni produ ang meeting dahil may nakuha na raw silang bida.

Si aktor na raw ang bida at siya na rin ang magdidirek ng movie. Ang nakakalurky pa nito, bagsak-presyo raw ang hininging talent fee ni aktor.

Obviously, need na need niya ang magka-project. May sinu-shooting daw na isang movie ang aktor pero ang tsika ‘di na raw niya tinapos ang proyekto.

Nagkaroon kasi ng malaking problema sa gobyerno ang supposed to be producer at owner nu’ng life story na gagawin niya.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending