Julia Barretto napalaban sa matinding halikan kay Diego Loyzaga, mga dating magdyowa siguradong relate-much sa ‘Will You Be My Ex?’

Julia Barretto napalaban sa matinding halikan kay Diego Loyzaga, mga dating magdyowa siguradong relate-much sa 'Will You Be My Ex?'

Diego Loyzaga at Julia Barretto

TALAGANG palaban na rin sa pakikipaghalikan si Julia Barretto tulad ng ginawa nila ni Diego Loyzaga sa pelikulang “Will You Be My Ex?”

Napanood na namin ang latest offering ng Viva Films na idinirek ni Real Florido na siyang nasa likod ng “Habang Buhay” starring McCoy de Leon and Elise Joson, at “Bakit Hindi Mo Sabihin,” nina Janine Gutierrez at JC de Vera.

In fairness, nabigyan naman ng justice nina Julia at Diego ang kanilang mga karakter bilang sina Chris at Joey na dating live-in partners na nagkahiwalay at nagkatagpo uli hanggang sa humantong sa pagse-sex.


Medyo masalimuot ang naging takbo ng kanilang love story na nagsimula pa noong mag-college sila pero humantong din sa paghihiwalay nang may mangyari sa karakter ni Julia na isang theater actress.

Naitawid naman nang bonggang-bongga nina Julia at Diego ang kanilang confrontation scenes lalo na nang magsigawan at magsumbatan sila sa mga kakulangan at kapintasan ng isa’t isa.

Pero ang ikinagulat namin ay ang mga kissing scenes at love scenes nila. Talagang give na give na si Julia sa pakikipaghalikan at pakikipagchurvahan sa pelikula. Pero in fairness naman kay Direk Real, artistic at hindi bastos ang mga nasabing eksena.

Baka Bet Mo: James todo emote, may hugot nga ba sa ‘Para Sa Mga Ex’?

At siyempre, sigurado kaming maraming makaka-relate sa mga nakakatawa at madadramang eksena nina Julia at Diego sa pelikula. Hindi sila naglamunan sa kanilang drama moments, as in nagbigayan sila para mag-shine ang isa’t isa.

Isa pa sa mga nagmarka sa pelikula ay ang Kapuso comedienne na si Divine Aucina na gumaganap na BFF ni Julia. Kaloka! Siya ang talagang pinagtawanan ng manonood dahil sa kanyang mga agaw-eksenang hirit at punchlines.


Actually, hindi ito ang unang pagkakataon na nagkatrabaho sina Julia at Diego dahil nagkasama na sila sa “Petrang Paminta” episode ng “Wansapanataym” (2013) ng ABS-CBN at sa afternoon drama series na “Mirabella.”

Sabi ni Julia, “I’m so excited to work with Diego because he’s been a friend of mine for a very long time. We worked together twice already on TV when we were younger.

“This time around, we’re a bit older, more mature and I’m excited to have worked with him in a very interesting story. Absolutely no awkwardness. We’ve known each other for quite a long time and we even became friends doing this.

“I very much trust Diego. It’s a safe place. We very much trust each other. Swabe lang lahat. Besides, we’ve been doing this for a long time,” aniya.

Sey pa ni Julia tungkol sa usaping ex, “The relationships I’ve been in the past, it’s clear that we’re better off on separate ways. With others, it works so we support that they try again and it works out. It’s just not the case for me. I’m just very happy now.”

Para naman kay Diego, “I guess exes are on a case-to-case basis. More times rather than not, I think there are some people out there that when you break up, they will still be friends.

“I think there are couples like that. There are others that need a lot of time to heal so when you see each other again, it’s not toxic anymore. You will not fight again. There are some people I know when they break up, they don’t burn bridges. But that does not apply to anyone,” paliwanag ng binata.

Kasama rin sa “Will You Be My Ex?” sina Bea Binene, Phoemela Barranda, Benj Manalo, Ashtine Ortiga, Juan Carlos Galano at Debbie Garcia. Showing na ito ngayon sa mga sinehan nationwide.

Kilalang aktres hindi pa rin maka-move on sa ex-dyowang aktor; palihim na natutulog sa dati nilang bahay

Julie Anne, Rayver sa tanong kung cheating ba ang makipagkaibigan sa dating dyowa: ‘It’s just weird! Kasi kapag ex na, ex na!’

Read more...