Janella aminadong hirap pagsabayin ang career at pagiging single mother, pero tuloy ang pagdating ng swerte sa buhay

Janella aminadong hirap pagsabayin ang career at pagiging single mother, pero tuloy ang pagdating ng swerte sa buhay

Janella Salvador at Jizel Mangilit

AMINADO ang Kapamilya actress na si Janella Salvador na ang pinakamatinding challenge ngayon sa buhay niya ay kung paano pagsasabayin ang career at ang pagiging single mom.

In fairness, mula nang maging mommy ay hindi na nawalan ng trabaho si Janella kaya nga itinuturing niyang ultimate lucky charm ang kanyang anak na si Jude.

Bukod sa mga nakalinyang acting projects niya sa ABS-CBN, kabilang na ang isang bagong pelikula at teleserye sa Dreamscape Entertainment, ay dumarami rin ang kanyang product endorsements.

Kaya naman super thankful and grateful ang gumanap na Valentina sa seryeng “Darna” sa lahat ng blessings na dumarating sa kanyang buhay.


“Marami ang naka-line up na gawin, marami silang aabangan. Basta thankful tayo sa lahat ng projects na yan,” ang pahayag ni Janella nang ilunsad siya kamakailan bilang bagong ambassador ng You Glow Babe beauty and slimming products.

Ayon sa celebrity mom, talagang ang pinaka-extra challenge ngayon sa kanya ay kung paano pagsasabayin ang showbiz career at ang kanyang pagiging nanay.

“Naku, ngayon talaga diyan ako nahihirapan ‘yung pagbalansehin ang family life at career sa showbiz pero so far kinakaya naman natin,” sey ni Janella.

Baka Bet Mo: Janella umamin: ‘Hindi talaga kami friends ni Jane nu’ng nag-start ang Darna, hindi kami nag-click agad-agad’

Kitang-kita sa itsura ngayon ng aktres na kahit wala siyang dyowa ay nag-uumapaw pa rin ang kanyang kagandahan at kaseksihan. Sabi nga ng mga fans, hiyang na hiyang daw siya sa pagiging single mother.

“I think what gives you that natural glow is genuine happiness that you feel inside. I’m not getting any younger, that’s why I also follow a healthier diet and a more active lifestyle.

“I’m starting to workout again after a really long rest after ‘Darna’ and I guess that what makes me glow,” sabi pa ni Janella na ang huli nganga nakarelasyon ay ang Pinoy-British actor na si Markus Paterson, ang tatay ng anak niyang si Jude na magti-three years old na ngayong taon.


Samantala, last June 15, pumirma ng exclusive contract si Janella para sa bagong produkto ng You Glow Babe, ang Shepu Appu Slimming Juice, kasama ang CEO na si Jizel Mangilit.

Dinaluhan ito ng mga distributors, influcers, brand ambassadors at ilang fans club ni Janella. Ayon kay Miss Jizel, si Janella ang ikalawa nilang celebrity ambassador, ang una nga ay ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara.

Masaya ring ibinalita ni Jizel na, “Mga vloggers at influencers na ang kukunin nating endorsers sa susunod dahil sila ang uso ngayon at effective naman talaga sila.”

Aalis ng bansa ang CEO sa June 28 patungong Canada para roon manganak. Babalik daw siya sa October para sa mga bagong pasabog ng kanilang company na marami ring natutulungang small entrepreneurs sa Pilipinas.

Lolit Solis hanga kay Janella Salvador sa pagiging single mom, pero…

Jane, Janella may pangako sa isa’t isa pagkatapos ng ‘Darna’: Hindi kami basta taping friends lang

Read more...