JC Alcantara bumongga ang buhay pati pamilya mula nang mag-artista: ‘Lahat ng taong gustong lumapit natutulungan ko’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
JC Alcantara
UNTI-UNTI nang natutupad ng Kapamilya actor na si JC Alcantara ang mga pangarap niya sa buhay, lalo na ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya.
Mula nang maging artista si JC, napakarami na ng nagbago sa kanyang buhay dahil na rin sa kanyang pagsisikap at dedikasyon sa trabaho.
Inalala ni JC ang mga hirap na pinagdaanan sa guesting niya sa “Magandang Buhay” nitong nagdaang Lunes, at nagbahagi nga ng ilang kaganapan sa kanyang personal life at showbiz career.
JC Alcantara walang paki kung tawaging bading; game na game makipag-kissing scene kina Piolo Pascual at Enchong Dee
Ayon kay JC, ginagawa niya ang lahat para sa kanilang pamilya at mula nang magsimula siyang kumita nang maganda marami na rin ang nagbago sa takbo ng kanilang buhay.
“Dati wala rin kaming makain, like nakuwento ko before. Pero ngayon, nabibili ko na ang gusto ko.
“Ang gusto ng kapatid ko napo-provide ko na lahat, pati sa family ko. Actually lahat ng mga taong gustong lumapit ay natutulungan ko rin po,” aniya pa.
Nakasama ni JC sa studio ng “Magandang Buhay” ang kanyang kapatid na si Paolo, na naging housemate sa “Pinoy Big Brother” ng ABS-CBN.
Ayon kay JC, hindi niya na-imagine na sasabak sa “PBB” ang kapatid pero talagang sinuportahan niya ito. Pangarap din daw ng kapatid na makatulong sa kanilang pamilya.
“Hindi siya nagsabi. Noong time na nag-audition siya at natanggap siya, doon ako nagulat. Sabi ko, ‘Gusto ko magtapos ka mag-aral.’
“Parang iba ang way naman niya, pero sinuportohan ko pa rin siya kasi ‘yun din ang gusto niya, na kagaya ko ay maging isang artista,” chika ni JC na napapanood ngayon sa iWantTFC digital series na “Drag You & Me” kasama sina Andrea Brillantes at Christian Bables.
Sa isa namang hiwalay na panayam, nabanggit ni JC na may mga pangarap din siya para sa sarili.
“Gusto kong magpatayo ng bahay na may nature or something para in case na magbakasyon ako, malayo ako sa stress.
“May palagi akong may pinupuntahan na place sa Bongabon sa amin, basta nature. Sa bundok siya. May mga falls. Naghahanap nga ako ng lupa du’n para sa akin.
“Kahit sa family ko minsan na-stress nga ako kasi alam mo yung bawat galaw mo kailangan mo gumastos.
“Gusto ko yung sarili ko, kailangan ko ng peace na kampante ako na makakagalaw ako, kampante ako na wala akong iniisip, ‘yung sarili ko lang,” sabi pa niya.
“Gusto ko yung pakiramdam na ganun, na hindi ko maba-balance sa pamilya. Okay ako na tumutulong ako sa kanila pero pag kasama ko rin sila sa probinsya, siyempre iba,” pahayag pa niya.