JC hirap na hirap magpaalam sa pamilya 'pag magtatrabaho; Carlo sinusulit ang bawat oras sa anak | Bandera

JC hirap na hirap magpaalam sa pamilya ‘pag magtatrabaho; Carlo sinusulit ang bawat oras sa anak

Ervin Santiago |June 30,2021
facebook
share this

JC hirap na hirap magpaalam sa pamilya ‘pag magtatrabaho; Carlo sinusulit ang bawat oras sa anak

Ervin Santiago - June 30, 2021 - 11:20 AM

IBANG-IBA na ang pananaw ngayon sa buhay ng first-time celebrity daddy na sina Carlo Aquino at JC de Vera.

Siyempre, hindi lang ang kanilang mga sarili ngayon ang iniisip nila, kundi pati na rin ang kanilang sariling pamilya lalo na ang kanilang mga anak.

Sa kabila ng mga kanegahan at problemang dulot ng pandemya sa buong mundo, nakakakita pa rin ng silver lining sina Carlo at JC sa pinagdaraanang krisis sa bansa.

Isa na rito ang pagkakaroon nila ng mahabang panahon para makasama ang kanilang mga anak ngayong panahon ng pandemya. Wala raw kapalit na anumang halaga ang makapiling ang pamilya at makapag-bonding nang bonggang-bongga.

“Magandang opportunity talaga itong mga nangyayari ngayon kasi mayroon tayong time para mag-explore para kilalanin nang husto ang mga baby natin. 

“Kasi siyempre every day is a new day with them. Marami tayong natututunan with them,” pahayag ni JC sa panayam ng digital show na “We Rise Together”.

Sey pa ng daddy ni Lana Athena , “And siyempre tayo bilang mga bagong daddy, ini-explore rin natin kung ano ang activities na puwedeng gawin kasama ang family.” 

Ang isa nga lang daw sa napakahirap gawin ngayon ay ang magpaalam sa kanyang non-showbiz wife na si Rikka at anak nila kapag sumasabak na siya sa lock-in taping.

“Ang hindi na nakakasanay talaga is yung pagpapaalam sa pamilya. Mahirap talaga kasi yung pag-condition sa isip mo to be away from my wife and my baby siyempre napakahirap talaga.

“Siyempre sila since first time nila mararamdaman din na wala ako, ang hirap i-explain eh. Pero ang hirap talaga. Hindi nakakasanay na pakiramdam. Na every time na aalis ka sa bahay, mabigat palagi yung loob namin. 

“But of course work is work. Kung ano yung ibigay sa amin na trabaho, kung ano yung kailangan namin gawin, we have to comply and be responsible. Gagawin pa rin namin yung best namin,” paliwanag ni JC.

Ayon naman kay Carlo, talagang ine-enjoy at sinusulit niya ang bawat minuto na magkasama sila ng anak na si Enola Mithi. Sey ng aktor, napakabilis kasi ng panahon ngayon.

“Enjoying every second na kasama ko si Mithi kasi ang bilis nilang lumaki.

“Napag-uusapan nga namin ‘yon ni JC na every time na uuwi, may bagong nangyayari sa kanya. Ini-enjoy ko lang talaga,” pahayag ng Kapamilya star.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sina JC, Carlo at Kit Thompson ang tatlong leading man ni Erich Gonzales sa seryeng “La Vida Lena”, na napapanood ngayon sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, TV5, iWantTFC at TFC para sa mga nasa labas ng bansa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending