JC de Vera inaming mahirap maging ama

JC inaming mahirap maging ama; nakiisa sa 49th Sinulog ng Kabankalan

Ervin Santiago - January 31, 2025 - 11:07 AM

JC inaming mahirap maging ama; nakiisa sa 49th Sinulog ng Kabankalan

AMINADO ang aktor na si JC de Vera na talagang napakahirap maging tatay. Ito na raw ang pinaka-challenging na ginampanan niya sa totoong buhay.

Ayon kay JC, isa raw sa mga kinatatakutan niya ay ang mag-fail siya bilang ama sa mga anak nila ni Rikkah Cruz na sina Lana at Laura at sa ikatlong baby nila na paparating na rin.

“It’s hard to be a dad. We all know how we were raised by our own fathers. We either copy that or create our own path. I’ve decided to create my own path, and that’s why it’s so difficult.

“I have to draw it myself. I have to outline everything on my own,” ang pahayag ni JC sa panayam Inquirer Lifestyle.

Sa tanong kung paano niya ilalarawan ang kanyang parenting style, “I think I’m a little bit of everything. I’m still learning a lot about it. Sometimes, I set boundaries, and it works; other times, it doesn’t.

Baka Bet Mo: JC de Vera na-offend sa ginawa ni Alex Gonzaga: Nagulat talaga ‘ko!

“There are moments when I need to be strict, but sometimes, I end up overindulging. Spoiling your kids can bring so much happiness.

“Malambing akong daddy, but at the same time, masungit rin akong daddy. That’s why I said I’m a balanced kind of parent,” aniya pa.

Samantala, naghatid naman ng kasiyahan at inspirasyon si JC sa mga residente ng Kabankalan, Negros Occidental, nang makilahok sa makulay na pagdiriwang ng 49th Sinulog Festival noong Enero.

Bilang isa sa mga celebrity volunteers ng Ang Probinsyano Party-list (APPL), nagdala si JC ng ningning sa selebrasyon habang isinusulong ang layunin ng APPL na pagandahin ang buhay ng mga Pilipino sa mga probinsya sa pamumuno ni Rep. Alfred “Apid” delos Santos.

Ang makulay na Sinulog Festival, na ginanap noong Enero 16, ay nagpakita ng mayamang kultura ng Kabankalan at malalim na debosyon ng mga tao sa Santo Niño.

Ang bonggang pakikilahok ni JC ay nagbigay ningning sa pagdiriwang habang ibinabahagi ang mensahe ng APPL ukol sa pag-asa at pagkakaisa.

Ibinahagi rin niya ang dedikasyon ng APPL sa pagpapalakas ng grassroots communities at sa pagpapanatili ng lokal na tradisyon—mga adhikain na siyang nag-udyok sa kanya upang suportahan ang party-list at ikalat ang kanilang misyon.

Sa kanyang mensahe, sabi ni Cong. Apid, “Ang Sinulog Festival sa Kabankalan ay isang patunay ng ating buhay na tradisyon at ang makulay na kultura na bumubuo sa ating pagkakakilanlan bilang mga Filipino.

“Kami po ay patuloy na sumusuporta sa mga ganitong selebrasyon dahil ang mga ito ay hindi lamang mga pagdiriwang ng kasiyahan, kundi isang pagkakataon upang magkaisa ang mga tao, mapalakas ang ating bayanihan, at mapalaganap ang malasakit sa isa’t isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sa mga ganitong okasyon, ipinapakita natin ang ating debosyon at pagmamahal sa ating kultura. Nais nating magpasalamat kay JC De Vera at sa lahat ng mga tumulong upang maging matagumpay ang selebrasyon,” aniya.

Sa taos-pusong pakikilahok ni JC at walang sawang dedikasyon ng APPL, ang selebrasyon ng Sinulog ay naging simbolo ng pagkakaisa, pag-asa, at pag-unlad para sa mga komunidad sa buong bansa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending