Herlene Budol dinenay na naging pasaway sa taping ng ‘Magandang Dilag’: ‘Pero happy ako, salamat sa nagra-write up sa akin’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Herlene Budol
MARIING itinanggi ng Kapuso actress at beauty queen na si Herlene Budol na madalas siyang nagiging cause of delay sa taping ng launching series niya sa GMA 7 na “Magandang Dilag.”
Ito raw ang dahilan kung bakit inirereklamo na siya ng kanyang mga katrabaho sa naturang proyekto.
Ang itinuturong dahilan ng umano’y pagpapasaway ni Herlene na mas kilala rin sa tawag na Hipon Girl sa kanyang teleserye ay ang pagtanggap daw ng sandamakmak na raket ng manager niyang si Wilbert Tolentino.
Sa naganap na mediacon last Saturday para sa “Magandang Dilag” ay diretsahan nang sinagot ng komedyana ang nasabing isyu. Pinabulaanan ng dalaga ang mga akusasyon sa kanya.
“Hindi naman po maiiwasan ‘yung mga ganu’ng bagay. Give and take naman po kami sa mga tapings, schedules, sa mga ibang lakad ba.
“‘Yung mga outside world naman na schedule, obligasyon din naman kasi ‘yun,” pagdepensa ni Herlene sa kanyang sarili.
Paglilinaw pa ng dalaga tungkol sa isyu ng “cause of delay”, “Wala naman pong issue. Hindi ko alam kung saan nanggaling ‘yung mga laging write-up tungkol sa akin.
“Pero happy po ako, salamat po ng marami sa mga nagra-write up po sa akin. Good or bad, publicity is still publicity,” aniya pa.
Sa naganap na presscon ng “Magandang Dilag” nitong Sabado, June 17, ay natanong sina Chanda at Sandy kung paano nila ilalarawan si Herlene bilang katrabaho at bilang bida sa latest afternoon series ng GMA 7.
Pinatunayan naman ng veteran actress na si Chanda Romero ang pagiging professional ni Herlene, “The first day I reported to the set and I met Herlene sa tent, right away, alam ko na hindi ako mahihirapan sa kanya because what I saw were pages of hand-written lines niya in yellow pad and I was thinking, ‘okay, she means business,’ and I was hoping sana hindi lang pang-first day ito ha?
“True enough, hanggang last day, ganyan siya kahit wala siyang tulog. Kahit na pagod na pagod siya, she had so many things on her plate.
“I love her also because she respects her colleagues. She respects our time, our efforts. She knows that this is a craft. Hindi talaga ako mahihirapan sa kanya.
“I liked her from the very start and I just like her even more kaya lang ang nakakatawa kay Herlene kapag nate-take two siya, pagbalik niya sa dressing room, ayan na, iiyak na yan kasi, ‘Hiyang-hiya naman ako Tita. Na-take two ako sa’yo! Nakakahiya sa’yo Tita!’
“Iiyak na yan profusely and then, I always tell her, ‘it’s okay. You did your best and it does happen to everyone. It happens to the best ones.’ And I love her authenticity. She’s just so herself,” pahayag ni Chanda
Samantala, inamin din ni Herlene, na may mga pagkakataong napapagod na siya dahil sa pagtatrabaho, “Iniisip ko po araw-araw yun e. Ay, parang napapagod ako. E, kung hindi ako mapagod, wala akong pera, wala kaming pagkain, wala kaming kahit ano.
“Ang sarap pong mapagod na may ginagawa, kesa mapagod kang wala naman. Sabi ko nga po sa sarili ko, puhunan ko po ‘to, e.
“Kumbaga sa negosyante, namumuhunan po sila ng pera. Ako po pagod, pawis, dugo, lahat po. Ito po yung puhunan ko,” paliwanag pa niya.
“Alam po ni Sir Wilbert lahat yan. Kapag alam naman po niyang hindi ko kaya, hindi niya po tatanggapin.
“Kapag nakikita niyang…ako ho kasi, parang hindi ko kaya pag walang trabaho. So, nandiyan ho siya, sobrang nagga-guide ho siya sa akin nang tama,” dagdag ni Herlene.