Sam kasama raw sa pinagpilian ng GMA para makatambal ni Herlene sa 'Magandang Dilag'; 1 pang pangarap ni Rhea Tan natupad na | Bandera

Sam kasama raw sa pinagpilian ng GMA para makatambal ni Herlene sa ‘Magandang Dilag’; 1 pang pangarap ni Rhea Tan natupad na

Ervin Santiago |October 31,2022
facebook
share this

Sam kasama raw sa pinagpilian ng GMA para makatambal ni Herlene sa ‘Magandang Dilag’; 1 pang pangarap ni Rhea Tan natupad na

Ervin Santiago - October 31, 2022 - 01:59 PM

Sam kasama raw sa pinagpilian ng GMA para makatambal ni Herlene sa 'Magandang Dilag'; 1 pang pangarap ni Rhea Tan natupad na

Rhea Tan at Sam Milby

USAP-USAPAN ngayon sa apat na sulok ng kashowbizan ang kumakalat na chikang lilipat na raw ang Kapamilya leading man na si Sam Milby sa GMA 7.

May naglabasan kasing balita na isa raw si Sam sa mga pinagpilian ng mga bossing ng Kapuso Network para itambal kay Herlene “Hipon Girl” Budol sa magiging launching teleserye nito.

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment media si Sam sa bonggang presscon ng Beautéderm Corporation para sa kanilang Health Boosters Effervescent Tablets, at isa nga sa mga naitanong sa kanya ang tungkol sa pag-ober da bakod niya sa ibang TV network.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sam Milby (@samuelmilby)


Hindi agad nakasagot ang hunk actor-singer tungkol sa issue, in fact, tinanong pa niya about it ang kanyang handler sa Cornerstone Entertainment na si Caress Caballero.

Totoo raw na may natanggap na offer si Sam pero hindi na ito umabot sa negosasyon dahil sa existing contract nito sa ABS-CBN. Pero tumanggi na si Sam na sagutin kung ang inalok nga ba sa kanya ay ang serye ni Herlene Budol na “Magandang Dilag.”

“I don’t know If I wanna talk about offers, but hangga’t kaya, I would not want to leave.

“Because ABS is the one who made me and where I am, and I appreciate it, you know, changed my life. As long as I can stay with them, as long as they need me, I will stay,” pahayag ni Sam.

Dugtong pa ng boyfriend ni Catriona Gray, “Siyempre, kawawa ang ABS ngayon na walang prankisa, and hindi rin natuloy ang partnership with TV5, which I thought it would be helping for ABS.

“But you know ABS is surviving, they’re putting out great projects, and I think that’s one thing about ABS, you can be assured na yung proyekto na nilalabas nila is maganda,” aniya pa.

Hindi naman daw isinasara ni Sam ang posibilidad na makatrabaho ang mga artista sa ibang TV network, “I think what’s nice sa business ngayon, before mga 10 to 15 years, grabe yung network wars, di ba? I think, it’s not exactly the same.

“There is still you know the competition, but I think they’re lay to work together. I think it’s a nice to you know, being able to have it now. Yeah, kung maganda yung proyekto. If it’s a good role and good project, yeah,” ani Sam.

Samantala, tuwang-tuwa naman at feeling blessed ang Beautéderm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan dahil bahagi na nga ng kanilang pamilya si Sam na matagal na raw niyang pinapangarap.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


Sabi ni Ms. Rei, “The line-up of Beautéderm’s A-list brand ambassadors could never be complete without Sam. I have always admired his body of work at happy na ma-discover na ang saya at ang gaan pala niyang katrabaho.”

“Dapat gayahin ang lifestyle ni Sam dahil sa kanyang disiplina at professionalism. He lives a balanced and healthy life which makes him the perfect artist to represent our brand,” sabi pa ni Ms. Rei.

Kasama sa Beautéderm Health Boosters Effervescent Tablets ang tatlong bagong produkto na nasa ilalim ng Reiko at Kenzen, na parehong FDA compliant at expertly formulated upang palakasin ang kalusugan at well-being ng katawan sa araw-araw.

In fairness naman kasi talaga kay Sam, hanggang ngayon ay fresh na fresh pa rin siya kahit nadadagdagan ng edad. Isa siya iilang male celebrities na hindi tumatanda tulad din nina Piolo Pascual at Jericho Rosales.

Ivana umaming super crush si Sam, pero takot na takot sa unang araw ng taping nila para sa ‘A Family Affair’

Sam Milby may warning sa mga susunod na leading man ni Ivana Alawi…ano kaya yun?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gerald, Sam magsasama sa seryeng ‘A Family Affair’, si Ivana pa rin ba ang leading lady?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending