Ariel napakasakit ng pag-iyak nang balikan ang alaala ng yumaong ama: ‘Kung pagod na kayo, magpahinga na kayo…that’s all I said’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Ariel Rivera
NAKIIYAK ang mga Kapuso viewers nang humagulgol ang actor-singer na si Ariel Rivera habang ikinukuwento ang mga huling sandaling kapiling ang namayapang ama.
Tuluy-tuloy ang pagtulo ng luha ni Ariel nang ibinahagi sa publiko ang araw nang muling makita ang ama niyang si Ben Rivera na pumanaw noong December, 2020.
Matatandaang naibalita noon na sepsis ang ikinamatay ng tatay ni Ariel na naninirahan sa Toronto, Canada, noong December, 2020.
Napag-usapan ang tungkol sa kanyang tatay sa Friday (June 16) episode ng “Fast Talk with Boy Abunda.” Natanong ni Tito Boy ang aktor kung kailan nangyari yung last conversation nila ng ama.
Sabi ni Ariel, nagkausap sila bago mag-Pasko noong 2019 nang tawagan siya ng kapatid na si Marvin.
“My brother Marvin, yung sumunod sa akin, said dad’s not doing well. Something’s wrong with him. He had sepsis na pala, but he was home. Parang, he seems lost. He’s not himself,” pagbabahagi ng husband ng aktres at TV host na si Gelli de Belen.
Nang tanungin daw niya ang kapatid kung ano na ang kundisyon ng kanilang ama, okay naman daw ito, “but something’s wrong.”
Nang magkausap daw sila ng yumaong tatay, tinanong niya ito kung okay ba siya, “He was off topic, like it wasn’t him I was talking to.”
Habang nagbabakasyon daw siya sa Japan kasama ang dalawang anak, nakatanggap siya ng masamang balita –isinugod saw ang kanyang tatay sa ospital.
“So we went back to Manila right away, and I got the first flight to Toronto. When I saw him, he was in the ICU na. He was breathing because of the apparatus,” pahayag pa ni Ariel na hindi na napigilan ang pagtulo ng luha.
Habang binabantayan daw niya ang ama sa ospital ay nilapitan niya ito, “I just whispered in his ear, and said thank you dad…
“For everything you’ve done for me, you’ve given me. Don’t worry I’ll take care of mom. Kung pagod na kayo, magpahinga na kayo. That’s all I said,” ang pagbabahagi pa ng aktor na wala pa ring tigil sa pag-iyak.
Sabi pa ni Ariel, “I am who I am because of my dad. My dad brought us up through his actions. Things you take for granted, like basketball games, nandoon siya to support.
“But he was never the type that would say ‘I love you’ or ‘I’m proud of you. Tama yung ginagawa mo.’
“He just shows things through actions, and I’ve always been like that. I didn’t know I was like that kahit noong nagkaanak na ako. I realize I am my father’s son and, I think, he brought us up the right way,” sabi pa ng aktor.