Sheryn Regis sa mga celebs na ayaw pang mag-out: ‘Irespeto na lang natin, ganyan din ako noon pero naging mas matapang lang ako’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Mel de Guia at Sheryn Regis
KUNG ayaw pa ng isang taong mag-come out o ilantad ang tunay niyang pagkatao at sexual preference, huwag siyang pilitin o i-pressure na umamin.
Yan ang isa sa mga paalala ng biriterang singer na si Sheryn Regis sa madlang pipol nang mapag-usapan ang mga kapwa niya celebrities na hindi pa umaamin sa tunay nilang gender.
“Ang hirap, ‘no, sa ibang artists din na hindi lumalabas-labas. Well, probably that’s their preference na maging private lang talaga,” ang pahayag ni Sheryn sa presscon ng kanyang major concert titled “All Out.”
Isa si Sheryn sa matatapang na showbiz personality na lumantad at humarap sa publiko para aminin sa buong universe na isa rin siya sa mga member ng LGBTQIA+ community na super happy ngayon sa piling ng partner niyang si Mel de Guia.
Chika pa ng singer, “Actually, mahirap talaga. Ang ano diyan is the fear na mawala nga, fear na mawala yung career, baka ma-disown ng family. I had that fear too. Meron din akong ganyan, pero naging mas matapang lang ako.”
Sabi ni Sheryn sa pag-out niya noong 2021 bilang isang lesbian, “I’m brave enough to face everything, na nung ginawa ko yon, alam ko na yung consequences, tanggap ko na, parang, ‘O, ginawa mo ito, ah. You have to stand firm on that.
“Pero sa ibang artist, respeto lang talaga sa kanila kung ayaw nila talaga. I-respect talaga natin na closeted talaga sila,” aniya pa.
Para naman sa kanyang partner na si Mel, “Walang perfect timing po sa mga gustong mag-out. Kailangan nating irespeto talaga yung ganoong klaseng tao.
“Sometimes alam naman natin, di na natin para state the obvious. It takes time. Irerespeto talaga natin sila. Mahirap yon para sa mga taong nahihirapang mag-out,” paliwanag pa niya.
Knows din ni Sheryn na posibleng maapektuhan ang career niya once na aminin na niya ang kanyang pagiging lesbian, “I opened it up sa family ko, sa anak ko na tanggap ako.
“Naisip ko kahit hindi ako tanggap ng ibang tao, importante yung pamilya ko tanggap ako walang judgment ba,” aniya pa.
Patuloy pa niya, “Sa presscon napaka-timid ko lang because I’m hiding something. Ang dami kong itinatago. It’s hard to express kasi nga baka mag-flip ako. So it’s hard na magkaroon ng something na hidden inside.
“Sometimes yung hina-hide mo, nakakaapekto sa buong pagkatao mo. I was in denial before. Alam ko yung struggle ng iba din na closeted.
“Pero I wished and prayed na sabi ko dapat when I reached 40, lalabas na ako sa aking cocoon. I’d get out of my shell,” proud pa niyang sabi.
Samantala, ang “Sheryn Regis: All Out” na bahagi ng 20th anniversary celebration ng singer ay magaganap na sa July 8, sa Music Museum. Magkakaroon din siya ng show sa US at Canada produced by Jaro Productions.