Lovi Poe ibinuking ni Toni Fowler, ‘pasaway’ daw sa taping ng ‘Batang Quiapo’

Lovi Poe ibinuking ni Toni Fowler, 'pasaway' daw sa taping ng 'Batang Quiapo'

Toni Fowler at Lovi Poe

IBINUKING ng social media influencer na si Toni Fowler na “pasaway” ang beshie niya sa “FPJ’s Batang Quiapo” na si Lovi Poe.

Sa panayam niya kay Yorme Isko Moreno na mapapanood sa vlog nito ay natanong kung sino sa artista sa “Batang Quiapo” ang pinakapasaway, cause of delay, maarte, etcetera.

“Maarte? Kasi konti pa lang ang mga nakaeksena ko, pero siguro in a good way sa pagkapasaway si Lovi Poe.


“Siguro kasi ganu’n siya at ganito ako magkaiba kami ng mundo.  Kunwari sinabing, ‘o wait lang nasa Divisoria tayo ‘wag munang magpapa-picture (sa mga tao) kasi pag napagbigyan ang isa sunud-sunod.

“Kasi ako kinakalabit ako ng tao na magpa-picture, sagot ko, ‘yoko nga, ayaw ko nga, bawal nga, eh.’ May attitude ako pero sinusunod ko ‘yung prod na ‘wag magpa-picture kasi mas mahihirapang mag-taping.

“E, si Lovi Poe pag (tinututok na ang camera) smile na talaga siya tapos lalapitan na siya (prod), ‘Lovi mamaya na kasi nga nahihirapan tayo sa set kasi dumudumog (ng mga tao),” kuwento ni Toni.

Hirit naman ni Yorme Isko, “Mana siya kay Ninong Ronnie (Fernando Poe, Jr).”

Ani Toni, “Hindi matiis na hindi pagbigyan ang tao at ang matindi pa sa kanya, ‘wait lang po, ah’  babalikan niya para sa picture ulit.”

Baka Bet Mo: Toni Fowler nag-walkout sa Man of the World, na-bad trip sa organizer: This is too much!

Sabi ulit ni Yorme, “Kasi si ninong Ronnie FPJ (nagulat si Toni ng banggitin ang FPJ), ninong ko sa kasal, si ninong lahat pagbibigyan niya everyone na na-appreciate siya.”


Dagdag din ni Toni, “Nakita ko rin kay Lovi na inaapoy siya ng lagnat tapos nagamot lang siya ngumingiti pa rin siya pero ang mata niya (halatang maysakit na).”

“Pero kasi ang logic namin doon ‘yung ngiti na maibibigay namin sa nagpapa-picture or makasama ka sa litrato is something na hindi nababayaran ng pera kasi napagbigyan mo ‘yung fan mo, ‘yung nagsu-support sa ‘yo. Tama ka in a good way ‘yun,” esplika ni Yorme.

Samantala, binati ng host si Toni dahil parte na siya ng biggest show sa bansa, ang “FPJ’s Batang Quiapo.” “Kumusta?” tanong ng dating mayor ng Maynila kay Toni.

“Masaya ito kasi experience na hindi mababayaran. Hindi lahat nakaka-experience ng ganu’n ng opportunity kaya ko sinasabing ganu’n kasi mababa ‘yung bayad (talent fee). Ha-hahahaha!

“Pero ibang mundo kahit hindi ka bayaran, sobrang saya, ibang-iba ‘yung mundo, iba sa vlogging. Ang dami mong nadi-discover at saka natututunan siyempre,” pahayag ni Toni.

Sabi pa ni Yorme, “Napansin mo ba when you do the vlog you do it your way but when you are in front of the camera there’s a director, there’s a script, there’s a story and there’s a co-worker, kita mo ang difference?”

“Opo ang maganda kasi sa akin medyo may pagkakaparehas kasi sa pagba-vlog at doon (BQ) parehas naman akong pokpok, so parehas lang. Ha-hahahaha! Kaya kung ano ang karakter ko paano ako kausapin, ganu’n din si Chiqui (role sa BQ),” kuwento ni Toni sa karakter niya.


Hindi raw dumaan sa audition si Toni, “Pinatawag po ako ni direk Coco tapos nag-meeting kami tinanong ako kung sino ako, paano ako. Sabi ko hindi po ako marunong umarte at tinanong kung gusto kong i-try, sabi ko gusto ko talaga.”

Nabanggit pa ni Toni, “Overwhelmed ako kasi dati (nanonood) MMK na, tapos ngayon kasama ko na si Ms. Charo (Santos-Concio) parang kinakabahan na parang panaginip. Ganu’n ang pakiramdam ko.”

Malaki raw ang tiwala ni Toni kay direk Coco sa ibinigay na karakter niya na pinagsama-sama sila sa iisang lugar na hindi niya alam kung okay ang iba o hindi basta’t siya tahimik lang.

At binigyan ng payo ni Yorme si Toni, “Ito tip ko sa ’yo. Kuya Germs (German Moreno) told me this at tumatak sa utak ko. Sabi nila, ang pag-aartista you’re being paid to wait.”

Hirit ni Toni, “Yes! And acting is free laging sinasabi ‘yun.”

“Ibig sabihin kunan ka o hindi kunan, yadba (bayad) ka naman.  Two, ‘wag kang magpapahintay.  So, if you’re being paid to wait, be there early. Pag sinunod mo ‘yung two lessons na ‘yun, that’s it.

“’Yung pag-arte matututunan mo ‘yun, matutunan mo ‘yun naturally kasi innate sa ’yo, eh. ‘Yung professionalism is the key to success kasi the creative, ito pa tip ko, gagawa sila (prod) ng karakter, pag sinabing (pangalan mo), alam n’yo si ganito bagay dito.

“Tapos may sasagot sa creative, ‘wag pasakit ‘yan’ so boom! Wala ka nang (kita),” payo ni Yorme kay Toni.

Toni Fowler tatanggalin nga ba sa ‘Batang Quiapo’ dahil sa kontrobersyal na music video?

Wish ni Lovi tinupad ng ABS-CBN, makakatambal na si Coco: Hindi pa rin ako makapaniwala na ginagawa ko na ang ‘Batang Quiapo’

Read more...