Paolo Contis binarag na naman ni Rendon Labador sa Father’s Day greeting; tinira ang pagiging ama

Paolo Contis binarag na naman ni Rendon Labador sa Father's Day greeting; tinira ang pagiging ama

Paolo Contis at Rendon Labador

TILA matindi ang galit ng motivational speaker na si Rendon Labador kay Paolo Contis.

Kahit Father’s Day kasi ay hindi niya ito pinalagpas, talagang dinikdik niya ito sa kanyang post sa Facebook.

“BREAK muna sa mga issues ngayong araw! Happy Father’s Day sa lahat ng tatay!!! (Except kay Paolo Contis na hindi nag susustento ng mga anak) #StayMotivated.”

‘Yan ang nakakalokang Father’s Day post ni Rendon.

If you recall, napakahaba ng kanyang recent aria against Paolo na aminadong hindi nagsusustento sa kanyang tatlong anak sa dalawang babae.

Iyon ang naging issue ni Rendon sa kanya at kanyang naging hugot sa kanyang mga atake sa host ng “Eat Bulaga”.


Talagang basag na basag si Paolo sa kanyang mga pamba-bash.

Actually, hati ang netizens sa kanilang opinion about Rendon’s post. May humanga sa pagiging prangka ni Rendon, meron namang ayaw sa pakikialam niya sa buhay ni Paolo.

“Nice one idol hahaha syo ako God Bless.”

Baka Bet Mo: Rabiya Mateo binigyan ng tribute ang inang single mother sa pagse-celebrate ng Father’s Day; tinuruang huwag manggamit ng kapwa

“Mabuti naman. Mabuhay ka Ka Rendon!! Ingat palagi at continue to make motivational rice!”

“Happy fathers day po except lang dun sa mga nagbuo lang tapos di nilingon ang anak.”

“Nadali mo idol.”

“Idol talaga yung mga banat muh lods.”

“Ngayon ako hahanga sa post mo.”


“True naman lods hindi masabi tatay ang hindi nag papahalaga at nag aaruga sa anak… jan mo ko napabilib sa mga bara mo.”

“Kawawang paolo laging swak sa banga.”

“Yan yan.. Tatay lang yun sa papel hahaha. kaya absent daw sa EB kahapon di daw kasali sa mag cecelebrate ng Father’s Day.”

May mga nam-bash din kay Rendon at ipinagtanggol si Paolo.

“Matulog ka na at wag ng gumising, ang sakit mo sa mata at tenga!! Wag kang judge ng judge ng ibang tao kasi im sure dika dn naman perpekto, dami mong napapansin wala ng ginawa yung tao na ikinasaya mo Lahat sayo mali.”

“Akala ko BREAK muna, Break mean. Bakit my issue Bucket my issue pug padin. Lord, heal him please, naaawa na po ako sa kanya.”

“Walang Father’s Day, Father’s Day sa akin, lalo na sa’yo na AMA na rin pero kahiya-hiya naman sa mga anak mo dahil sa ginagawa mo sa social media! Hindi ka magandang ehemplo, Rendon LaBADING ka!”

“Coming from you na AMA rin?! Kung ako siguro anak mo, IKINAKAHIYA KITA dahil sa sama ng ugali mo!”

Ang nakapagtataka, bakit walang palag si Paolo? Takot ba siya kay Rendon? Anong reaksyon mo sa pinagsasabi ni Rendon Paolo?

Celebrity moms proud na ibinandera ang tatay ng mga anak ngayong Father’s Day

Julia, 2 pang kapatid may isyu na naman kay Dennis; dedma sa Father’s Day

Read more...