Ariel Rivera hindi bet matawag na ‘Kilabot ng mga Kolehiyala’, bakit kaya?

Ariel Rivera hindi bet matawag na 'Kilabot ng mga Kolehiyala', bakit kaya?
INAMIN ng actor-singer na si Ariel Rivera na hindi niya gusto ang naging bansag sa kanya bilang “Kilabot ng mga Kolehiyala”.

Sa kanyang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay nabanggit nga ni Boy na ayaw ng singer-actor na matawag siya sa ganitong bansag.

“I did not [like that]. There [were] a few times na when Bong [Quintana] (Boy Abunda’s partner)Bong would always be backstage, [along with] Hansel and Ernie—would say, ‘Introduce Ariel—Please welcome, Kilabot—’ [then] I told Bong, ‘Bong, you introduce me as that, hindi ako lalabas sa stage,” pagbabahagi ni Ariel habang natatawa.

Dagdag pa niya, “It’s so presumptious of me to feel na all these kolehiyalas love me. It’s so presumptious of anybody to feel that way and it’s just not me.”

Chika pa ni Ariel, hindi rin siya aware noon na may isa pang singer na binansagang “kilabot”.

Baka Bet Mo: Ariel Rivera ibinuking ang sikreto sa 25 years na pagsasama nila ni Gelli bilang mag-asawa: I just listen to my wife, that’s it!

“Plus, looking back, I didn’t know Hajji [Alejandro] was the original ‘Kilabot’. Wala naman akong alam sa history ng (I didn’t know the history of) OPM during that time.

“How can you take somebody’s title when there’s already somebody who has that title?” sey pa ni Ariel.

Natanong naman ang asawa ni Gelli de Belen kung ano ang “wildest thing” na ginawa niya o ginawa sa kanya ng isang fan.

“Ang ginagawa namin (What we do is) we take a girl up [the stage] then we give them a kiss. When it was time for me to kiss her, she just grabbed my face and [we kissed] lips to lips. Then the next day ka-date ko na siya,” natatawang kuwento ni Ariel sa naging experience niya sa isang exclusive school para sa mga babae.

Related Chika:
Ariel out na sa ‘Lunch Out Loud’; Direk Bobet may kinalaman kaya?

Gelli, Ariel never pang nag-away sa 25 years na pagsasama bilang mag-asawa: ‘Hindi pa kami nagdabugan at nagmurahan’

Read more...