Mimiyuuuh kinantahan ng Christmas songs sina Jose Mari Chan at Ariel Rivera, netizens tawang-tawa: ‘na-shookt ang mga icon!’ Bandera

Mimiyuuuh kinantahan ng Christmas songs sina Jose Mari Chan at Ariel Rivera, netizens tawang-tawa: ‘na-shookt ang mga icon!’

Pauline del Rosario |December 02,2022
share this

Mimiyuuuh kinantahan ng Christmas songs sina Jose Mari Chan at Ariel Rivera, netizens tawang-tawa: ‘na-shookt ang mga icon!’

Pauline del Rosario - December 02, 2022 - 01:25 PM

Mimiyuuuh kinantahan ng Christmas songs sina Jose Mari Chan at Ariel Rivera, netizens tawang-tawa: ‘na-shookt ang mga icon!’

ISA nanamang nakakaaliw na video ang ibinandera ng social media star na si Mimiyuuuh.

At ang nakakagulat pa rito ay nakasama pa niya ang dalawang music icon.

Sila’y walang iba kundi ang binansagang “Father of Philippine Christmas Songs” na si Jose Mari Chan, pati ang actor-balladeer na si Ariel Rivera!

Nagkaroon ng collaboration project ang tatlo para sa isang Christmas carolling event ng isang sikat na dressing condiment brand.

Ang isa sa mga nakakatawang eksena ay ibinahagi mismo ni Mimiyuuuh sa kanyang social media accounts na kung saan ay nagkaroon sila ng “Christmas car-eoke.”

Caption pa nga ng vlogger, “Hirap talaga pag-ikaw pinakatalented sa grupo no po. Hinihila ka nila pababa (sad face emoji).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mimiyuuuh 🦖 (@mimiyuuuh)

Mapapanood sa video na super excited si Mimiyuuuh sa pangangaroling na kanilang gagawin at sinabi pang concert level ang kanilang magiging performance.

Sey ng YouTube star, “Hindi lamang po itong simpleng pangangaroling, I will make it concert level.”

Nagbigay pa nga ng sample ang vlogger sa harap ng dalawang music icon at kinanta ang kulot-kulot niyang version ng “12 Days of Christmas.”

Tila nagulat pa si Jose Mari Chan at natatawang sinabi na parang iba ang tono ni Mimiyuuuh.

“Doesn’t sound the same,” sey ng music icon.

Natawa rin si Ariel sa pagkanta ng YouTuber at inilarawan pa niya ito na parang kambing kung kumanta.

Saad ni Ariel, “Parang kambing ‘yung kumakanta.”

Kahit ang madlang pipol ay tawang-tawa sa ipinost ni Mimiyuuuh at sinabi pang na-shookt sina Jose Mari Chan at Ariel sa pinaggagawa ng vlogger.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“HAHAHAHAHAH SHUTA KA MIMI! Ang galing mo talagang magpatawa.”

“Sir Jose Mari Chan is shookt!! (laughing emoji)”

“Kulang na lang si Mariah Carey para kumpleto na ang pasko (red heart emoji)”

“Manghang mangha silang dalawa sayo mi HAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA mas ramdam ang Christmas (laughing emoji)”

As of this writing ay wala pang isang araw ang post at umaani na ito ng mahigit 50,000 likes at libo-libong comments.

Related chika:

Mimiyuuuh hiniwalayan ng dyowa sa pamamagitan lang ng text message: Sobrang na-shock po ako!

Lea Salonga, Pentatonix napakanta ng ‘Christmas in Our Hearts’ ni Jose Mari Chan

‘Kissing scene’ nina Gelli de Belen at Cris Villanueva bentang-benta sa madlang pipol: ‘Lagot kayo kay Ariel Rivera!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending