MAY good news ang Malacañang para sa ating mga kababayan!
Nilabas na kasi nila ang karagdagang “holiday” o araw ng mga walang pasok sa piling lugar ng ating bansa.
Ang proklamasyon ay pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Narito ang listahan ng petsa at lugar na idineklarang special at non-working holidays:
- June 21 sa Pagadian city, Zamboanga Del Sur – ito ay para sa pagdiriwang ng 54th charter year ng lalawigan.
- June 23 sa Tabuk city, Kalinga – ito ay para gunitain ang kanilang founding anniversary.
- June 24 sa Maynila – Ito ay para nagbigay-daan sa selebrasyon ng 452nd founding anniversary ng lugar. Ayon pa sa inilabas na kautusan, isa itong oportunidad para sa mga residente na magkaroon ng partisipasyon sa gagawing aktibidad ng lungsod.
Baka Bet Mo: Donnalyn may hugot sa pagbabalik-trabaho ngayong 2023, netizens napataas ang kilay: ‘Amaccana accla’
- August 1 sa Kapalong town, Davao del Norte – kagaya ng mga naunang selebrasyon, isa rin itong pagbubunyi sa kanilang ika-75th founding anniversary.
Kung matatandaan noong nakaraang taon ay sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na nais niyang palakasin ang domestic travel sa bansa.
Bukod diyan ay nais niya ring muling ibalik ang tradisyon ng mga Pilipino na nagkakasama ang mga pamilya sa tuwing may okasyon.
Pahayag ng pangulo, “There is a need to adjust these holidays pursuant to the principle of holiday economics wherein a longer weekend will help encourage domestic travel and increase tourism expenditures in the country.”
Read more: