Hindi na ba sasali sina Vice Ganda at Coco Martin sa Metro Manila Film Festival 2023?
Kaya namin ito naitanong ay dahil wala ang mga pangalan nila sa mga bibidang artista na binasa ni Nanay Cristy Fermin kaninang tanghali sa programa nitong “Cristy Ferminute” kasama si Romel Chika sa Radyo5 92.3 TRUE FM.
May nagpadala kasi ng mga listahan ng scripts na nasa kamay na ng pamunuan ng MMFF 2023 at hindi nabanggit ang pangalan ng dalawang aktor.
Baka Bet Mo: Coco: Dapat ang gawin nating pelikula ay ‘yung makaka-inspire dahil alam natin ang hirap ng pinagdaanan ng lahat
Ang mga binasang scripts ng CFM host ay ang mga sumusunod:
- Regal Films – “SRR (Shake Rattle and Role) Extreme” – Horror
- Star Cinema at APT Entertainment – “Agosto Dos Rewind” (Dingdong Dantes at Marian Rivera)
- Viva Films [title to follow] Nadine Lustre – Horror directed by Mikhail Red
- Viva Films – “Penduko” (Matteo Guidicelli) – Action
- BC Entertainment Productions – “Mananambal” (Nora Aunor, Bianca Umali, Kelvin Miranda) – Horror
- Adolf Alix, Jr – “Poon” (Ronaldo Valdez, Gina Pareno, Janice de Belen, Ara Mina, Lotlot de Leon at Jaclyn Jose) – Horror
- GomBurZa movie (Dante Rivero, Cedric Juan, Enchong Dee, Piolo Pascual)
- Saranggola Productions – [isusunod ang detalye]
- GMA Films – “Firefly” (Dingdong Dantes, Max Collins, Epy Quizon, Alessandra de Rossi, Yayo Aguila, Cherie Pie Picache, Miguel Tanfelix at Isabel Ortega)
- ALV Films – “That Kind of Love” (Barbie Forteza at David Licauco) – Romcom
- Queenstar Film Production – “Loyalista, The Untold Story of Imelda Papin” (Mafi Papin – Carreon aka Marie France)
- Purple Mom movie
- Octoarts movie
- Mentorque Productions – “Mallari” (Piolo Pascual)- Horror directed by Derick Cabrido
- Quantum Films movie
Ayon naman sa aming nalaman na taga-ABS-CBN ay magpapahinga muna si Vice ngayong MMFF 2023.
Anyway, kung puwede lang sanang ipasok ang 15 movies na ito tiyak ang ganda ng labanan sa “Gabi ng Parangal” dahil pawang magagaling ang mga artistang may entry pero siyempre kailangan sundin pa rin ang Bibliya ng Metro Manila Film Festival na walong pelikula lang ang kasali sa MMFF 2023.
Related Chika:
Kim Chiu ‘diamonds’ ang panlaban sa mga ligaw na elemento; shooting ng ‘Huwag Kang Lalabas’ minulto