NATUPAD na ang matagal nang pinapangarap ng isang baguhang singer na si Jemay Santiago matapos pumirma sa isang international record label.
Proud na inanunsyo ng Sony Music na kabilang na sa kanilang mga artist ang baguhang singer.
“Music is my passion, and I’ve always wanted this dream,” sey ni Jemay sa inilabas na pahayag ng kompanya.
“It’s an opportunity I would never skip. I personally and confidently believe that this record label will handle me conscientiously,” pagmamalaki pa niya.
Kasabay niyan ay inilabas na rin ni Jemay ang kanyang R&B debut single na may titulong “May Iba Na Ba.”
Baka Bet Mo: Maris, Rico pabor sa paglalagay ng ‘label’ sa relasyon: Tama lang na alam n’yo kung ano ba talaga kayo
Kwento ng singer, tungkol ito sa kanyang mga nararamdaman at naiisip noong siya’y makikipaghiwalay sa dating karelasyon.
“The song talks about my feelings, thoughts, and emotions during a pre-breakup with my previous relationship,” chika niya.
Kwento pa niya, “At some point, it made me question my worth of being loved.”
“‘May IBa Na Ba’ sums up that bleak phase in my life. I want to capture its essence and rawness through music,” aniya.
Nabanggit din ni Jemay na siya mismo ang nagsulat ng nasabing awitin.
“We were able to achieve that in the name of art and music, as we want to break barriers between local and international music and influences while bringing our own spin to it,” lahad niya.
Ang naturang kanta ay kabilang sa debut album ni Jemay na pinamagatang “Pahinga.”
Related Chika:
RR Enriquez sa relasyon nina Ruru Madrid at Bianca Umali: Four years yet no label?