Buboy Villar proud sa naipundar na kotse, bumili upang makasama ang 2 anak

Buboy Villar proud sa naipundar na kotse, bumili upang makasama ang 2 anak

PHOTO: Instagram/@buboyvillar

MASAYA ang Kapuso actor na si Buboy Villar sa na-achieve niya lately.

Sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlog, ipinagmamalaki niya ang napundar niyang SUV.

“Gusto ko lang i-share sa inyo ang isa sa magandang blessing sa akin…ang bago kong kotse,” proud na sinabi ng aktor.

Dagadag pa niya, “So sa lahat ng pinaghirapan ko simula ‘nung nakaraan kong trabaho ay nakaipon tayo.”

Kwento ni Buboy, dalawa ang kanyang rason kaya niya naisipang bumili nito.

Baka Bet Mo: Buboy nagtatrabaho, nagsasakripisyo para sa mga anak na nasa US: Iba pa rin yung naaamoy at nayayakap mo sila

Una raw ay dahil sira na ang luma niyang kotse at ang pangalawa naman ay para makasama niya ang dalawang anak na sina George at Vlanz.

Paliwanag ng aktor, lumalaki ng ang kanyang mga anak at hindi na sila magkasya sa dati niyang kotse.

“Kaya ako bumili kasi ‘yung anak ko na si George, alam kong lumalaki na at ‘yung anak kong si Vlanz ay malaki na rin. So maliit para sa tatlo doon sa kotse ko,” sambit niya.

Bukod diyan, super happy rin ngayon si Buboy dahil may magagamit na rin siya sa pagpasok at pag-uwi mula sa trabaho.

Nachika niya kasi sa kanyang vlog na naka-motor lang siya lagi at hinahatid-sundo ng kanyang kaibigan.

“Salamat din sa tropa ko kasi siya ‘yung rider ko,” wika ni Buboy.

Kwento pa niya, “wala akong magamit na kotse, so pumupunta ako ng ‘Eat Bulaga’ na nagmo-motor lang po talaga ako, araw man o umulan, go lang kami.”

Patuloy pa niya, “Kasi siyempre, kailangan ko makapunta sa trabaho at kailangan ko maging professional, of course.”

Sa bandang huli ay lubos siyang nagpapasalamat sa Diyos, pati na rin sa kanyang mga taga-suporta at fans dahil sila raw ang nagsilbing susi upang pagkalooban siya ng isang biyaya na talagang magagamit niya sa pang-araw-araw.

“Kaya lagi ko pong sinasabi, ‘Thank God sa lahat ng trabaho na dumadating sa akin,’ kumbaga gagawin ko lang ang best ko, 100% para mapasaya ko kayo,” pangako ni Buboy sa fans.

“Gagawin ko ang 100% ng aking talent para mai-share ko sa inyo ito,” aniya pa.

Bumuhos naman ang “congratulatory” messages sa post ni Buboy at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Sobrang deserved mo yan. Kung tutuusin ang simple mo nga eh, oo mahal ang sasakyan pero compare sa iba na bumibili sayo is may purpose, for family at magagamit mo sa trabaho.”

“Congrats Buboy!! [emojis] I am so happy and proud sayo and sa kung anu man mga blessings na dumadating sayo…More blessings to come Buboy! Continue to inspire others…You deserve it!”

“Congrats buboy sa new car!!! Deserve mo ‘yan at of course kailangan mo ‘yan sa work mo. I admire you kase responsable kang ama at mabuti kang anak. I also admire you kase napakatalented mo.”

Related Chika:

Gerald nabiktima ng Basag-Kotse Gang: Grabe ang lalakas talaga ng loob n’yo!

Read more...