WILLIE: Bagyo, giyera, tapos lindol naman ngayon...saan na ba patungo ang Pinas!? | Bandera

WILLIE: Bagyo, giyera, tapos lindol naman ngayon…saan na ba patungo ang Pinas!?

Cristy Fermin - October 17, 2013 - 03:00 AM


Maghapon ng Lunes, unang araw na wala nang programa si Willie Revillame, ay nanahimik lang ang aktor-TV host. Ipinadadala namin sa kanya ang mga tinatanggap naming text messages ng kanyang mga tagasuportang naninibago sa pagkawala niya sa tanghali pero wala kaming nakuhang anumang sagot mula sa kanya.

Pero Martes nang umaga ay kami naman ang nasorpresa sa kanyang tawag, tatawa-tawa pa niyang sinabi na nagpa-miss lang daw siya sa amin kaya hindi siya sumasagot, ang naganap na lindol sa Kabisayaan ang naging tema ng aming usapan.

Kahit wala na siyang show ay plano niyang dumalaw sa mga lugar na pininsala ng malakas na lindol, lalo pa’t ang Bohol na talagang naging sentro nang matinding pagyanig ay hometown ng kanyang kaibigang si Cesar Montano, gusto niyang mag-abot ng suporta sa ating mga kababayan du’n.

Taong 2012 ay 63.9 million ang binayaran niyang buwis, siya ang itinuturing na number one celebrity tax payer nu’ng nakaraang taon, kaya puwede siyang bigyan ng karapatang magtanong tungkol sa pera ng bayan na kung kani-kaninong bulsa lang ng mga politiko nauuwi.

“Nakakalungkot lang isipin na sa tindi ng binabayarang tax ng mga taong nagpapakahirap sa pagtatrabaho, e, nagkakaganito pa ang ating bayan. May bagyo, kulang sa ayuda, maraming naghihirap na kababayan natin.

Kung tutuusin, e, hindi tayo dapat magkaganito,” sinserong pahayag nin Willie. Kailan lang ay nagsadya siya sa Zamboanga, namigay sila du’n nina DILG Secretary Mar Roxas at Korina Sanchez ng tulong sa mga nasalanta naman ng giyera, hanggang ngayo’y sariwa pa sa isip niya ang kalunos-lunos na kalagayan du’n ng mga kababayan natin lalo na ng mga bata.

“Nakakalungkot na talaga ang mga nangyayari. Bagyo, giyera, lindol naman ngayon. Saan na ba patutungo ang bayan nating ito?” tanong pa ni Willie Revillame.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending