ALDEN binalasubas ng sira-ulong basher sa TWITTER, pati ina damay
NAGING biktima ng basher ang Kapuso matinee idol na si Alden Richards sa social media. Merong isang guy na nag-post ng message na talaga namang nakagagalit.
Hindi na namin ipo-post ang message rito but suffice it to say that the guy was full of hatred. Idinamay pa ng walanghiya ang madir ni Alden at kung anu-anong kabastusan ang sinabi against the actor’s mom.
Sino kaya ang guy na ‘yon at parang napakatindi ng galit niya? Actually, nakita namin sa Facebook account ni Alden ang comments ng mga tao sa guy at kung nakilala siguro nila ito ay baka kinuyog na nila ito at pinatay sa bugbog.
Bilib kami kay Alden. Cool as a cucumber lang ito sa pamba-bash sa kanya, “Kung sino ka man sana mapatawad ka ng Dyos sa mga pinagsasabi mo. Godbless!” came his cool reply.
Whoever this guy is, we think that he’s sick at hindi siya napalaki nang maganda ng kanyang INA. Matindi ang tama niya sa ulo! Hindi kaya abot-langit ang galit niya kay Alden dahil sa matinding inggit? O, baka naman ka-kilala rin ito ng binata na insecure sa kanya?
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.