Juday umaming nagrebelde noong teenager, nawalan ng gana sa buhay: Umiinom at naglalasing ako, talagang pakawala ako' | Bandera

Juday umaming nagrebelde noong teenager, nawalan ng gana sa buhay: Umiinom at naglalasing ako, talagang pakawala ako’

Ervin Santiago |June 14,2023
facebook
share this

Juday umaming nagrebelde noong teenager, nawalan ng gana sa buhay: Umiinom at naglalasing ako, talagang pakawala ako’

Ervin Santiago - June 14, 2023 - 11:36 AM

Juday umaming nagrebelde noong teenager, nawalan ng gana sa buhay: Umiinom at naglalasing ako, talagang pakawala ako'

Judy Ann Santos

NAGPAKATOTOO si Judy Ann Santos nang matanong kung naranasan din ba niyang magrebelde noong kanyang kabataan tulad ng ilang kilala at sikat na celebrities.

Diretsahang sinabi ni Juday na nagrebelde at nagwala rin siya noong panahong nakakaramdam siya ng matinding kalungkutan at “feeling alone” sa kabila ng narating na tagumpay sa buhay at career.

Yan ang bahagi ng rebelasyon ng asawa ni Ryan Agoncillo sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kung saan inisa-isa niya ang ilang hindi malilimutang kaganapan sa kanyang buhay bilang artista.

“Dumarating ako sa set na kinailangan ko nang tanungin yung team ko. ‘Sino nga ako dito? Sino ang direktor natin?’ Nawawala na ako sa sarili ko,” pagbabahagi ni Juday.

Dito na raw niya naramdaman na parang nawawalan na siya ng gana sa buhay at napi-feel daw niya na tila wala siyang maituturing na tunay na kaibigan para ilabas ang kanyang mga saloobin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Fast Talk with Boy Abunda (@fasttalkgma)


“Yung talaga dumating ako sa point na I was doing three movies in one year and two shows in one year, all at the same time.

Kaya ang sumunod na tanong sa kanya ni Tito Boy, “Nagrebelde ka?” Na sinagot ni Judy Ann ng, “Yes.”

Baka Bet Mo: Judy Ann Santos tigil muna sa cooking vlogs dahil sa pagtaas ng bilihin: Ayokong hindi maka-relate ‘yung viewers

“Para sa sarili ko, sa pagkakataong ito, pwede kong sabihing yung pagsimula ko nu’ng teenage years ko na umiinom ako, lumalabas ako at naglalasing ako, I think yun yung rebellious point ko, na talagang, pakawala ako.

“At that time lang, walang social media, walang pruweba, walang ebidensya. Pero hindi ako nagwawala sa hindi ko bahay, o hindi pribadong lugar.

“Hangga’t maaari, hindi talaga ko pupunta sa isang inuman na masama ang loob ko na alam ko ang gusto ko gawing ngayong gabi e magwala,” paliwanag niya.

Pagpapatuloy pa niya, “Ina-allow ko yung sarili ko na kailangan kong pakawalan ‘tong galit na ‘to, kailangang pakawalan ‘tong frustration na ‘to.

“Kasi otherwise may maapektuhan na akong tao, may maapektuhan na akong trabaho. And they don’t deserve na maapektuhan kung anuman ang pinagdaraanan ko,” dugtong pa ng aktres.

Juday sa pagiging host ng ‘Magandang Buhay’: Nakakaloka! Kinakabahan ako, ano ba yan?!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Juday titigil muna sa pag-arte: ‘Hinihingi na ng katawang-lupa ko ang magpahinga, ramdam ko na ‘yung tanda ko’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending